515 Hanapin Mo ang Katotohanan Upang Malutas ang Mga Paghihirap Mo

1 Kung nais mong isagawa ang katotohanan, at kung nais mo na maunawaan ito, dapat mo munang maunawaan ang diwa ng mga hinaharap mong hirap at ang mga bagay na nagaganap sa iyong paligid, gayundin kung anong aspekto ng katotohanan ang nauugnay sa mga ito. Pagkaraan, dapat mong hanapin ang katotohanan batay sa mga aktwal mong hirap. Sa ganyang paraan, habang unti-unti kang nagkakamit ng karanasan, magagawa mong makita ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay na nangyayari sa iyo, gayundin sa kung ano ang nais Niyang gawin at ang mga resulta na nais Niyang makamit sa iyo.

2 Kung sinusukat mo lang ang sarili mo ayon sa katotohanang salita ng Diyos habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos sa mga pagtitipon, o habang ginagampanan ang tungkulin mo, at kung sa palagay mo ay ang mga bagay na karaniwang nangyayari sa buhay mo ay walang kaugnayan sa pananampalataya mo o sa katotohanan, at kung sa palagay mo ay kaya mong harapin ang mga ito at pagkatapos ay ginagawa mo ang gayon ayon sa iyong pilosopiya sa pamumuhay, kung gayon ay hindi mo matatamo ang katotohanan; hindi mo mauunawaan kung ano lamang ang ninanais ng Diyos na gawin sa iyo o ang mga resulta na nais Niyang matamo.

3 Ang pagtataguyod sa katotohanan ay isang mahabang proseso. May payak na bahagi rito, at may masalimuot na bahagi rin. Sa madaling salita, dapat nating hanapin ang katotohanan at gawin at danasin ang mga salita ng Diyos sa lahat nang nagaganap sa ating paligid. Minsang masimulan mong gawin ito, lalo at lalo mong makikita kung gaanong katotohanan ang dapat mong matamo at itaguyod sa iyong paniniwala sa Diyos, at ang katotohanan ay sadyang tunay at katotohanan ang buhay.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan ng Paghahangad sa Katotohanan at ang Landas ng Paghahangad Nito

Sinundan: 514 Ang Landas sa Paghahanap ng Katotohanan

Sumunod: 516 Tanggapin ang Salita ng Diyos Upang Magkaroon ng Mas Malalim na Karanasan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito