516 Tanggapin ang Salita ng Diyos Upang Magkaroon ng Mas Malalim na Karanasan
Kapag lalong tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos, lalo silang naliliwanagan, at lalo silang nagugutom at nauuhaw sa pagsisikap na makilala nila ang Diyos. Tanging ang mga yaong tumatanggap sa mga salita ng Diyos ang may kakayahang magkaroon ng mas mayaman at mas malalim na mga karanasan, at sila lamang yaong ang mga buhay ay maaaring patuloy na lumago na tulad ng mga bulaklak ng linga. Lahat ng naghahangad ng buhay ay dapat itong ituring bilang kanilang full-time na trabaho; dapat nilang maramdaman na “kung walang Diyos, hindi ako mabubuhay; kung walang Diyos, wala akong magagawa; kung walang Diyos, lahat ng bagay ay hungkag.” Kaya, dapat din silang magdesisyon na “kung wala ang presensya ng Banal na Espiritu, wala akong gagawin, at kung walang epekto ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, wala akong interes na gawin ang anumang bagay.” Huwag kayong magpakasasa sa inyong mga sarili. Ang mga karanasan sa buhay ay nagmumula sa kaliwanagan at paggabay ng Diyos, at ang mga ito ang nagpapalinaw sa inyong mga pansariling pagsusumikap. Ang dapat ninyong hingin sa inyong sarili ay ito: “Hindi ko matatakasan ang mga karanasan sa buhay.”
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Pumasok sa Normal na Kalagayan