295 Naghahanap ng mga Kapalagayang-loob
I
Matagal Ka nang gumawa sa hardin,
pag-ibig Mo’y malalim Mong naitanim.
Nabayaran Mo na’ng lahat sa paghahanap
ng kapalagayang-loob.
Napakatagal Mo nang naghahanap.
Sinong makaaalam ng pagkabalisa Mo?
Labis na pag-ibig na ang ipinuhunan Mo.
Walang nagbibigay-ginhawa sa ‘Yo.
Araw Mo’y malapit na malapit na,
at buong lakas kaming nagsisikap.
Nais naming maging kapalagayang-loob Mo,
sa mahangin at maulang panahon.
II
Malapit nang lisanin ng Amo ang hardin.
Gayong utang ay mahirap bayaran,
kahit katiting noon.
Sa puso Mo’y wala pa ring ginhawa,
at lahat ay puno ng pag-aalala.
Takot akong ‘di sapat ang lalim ng
pag-ibig ko sa ‘Yo,
‘di mangangahas na maging pabaya.
Puso ko’y nananabik na mahalin Ka’t
tutularan ko’ng diwa ni Pedro.
Isasagawa ko’ng kalooban Mo
sa buong buhay ko’t
buong pusong susunod lagi sa ‘Yo.
Isasagawa ko’ng kalooban Mo
sa buong buhay ko’t
buong pusong susunod lagi sa ‘Yo.