367 Inililigtas ng Diyos ang mga Tao mula sa Buhay ng Impiyerno sa Lupa

1 Sa loob ng libu-libong taon, namuhay ang mga Tsino bilang mga alipin, at lubhang napigilan nito ang kanilang mga iniisip, mga konsepto, buhay, wika, pag-uugali, at mga pagkilos na hindi nag-iwan ng kahit kaunting kalayaan sa kanila. Ang ilang libong taon ng kasaysayan ay nagsanhi sa mahahalagang tao na masapian ng isang espiritu at manlupaypay na parang mga bangkay na walang espiritu. Marami sa kanila ang namumuhay sa ilalim ng kutsilyong pangkatay ni Satanas, marami ang nakatira sa mga tahanan na parang mga lungga ng mga hayop, marami ang kumakain ng kagaya ng pagkain ng mga baka o kabayo, at marami ang hindi nagsasabi ng totoo, manhid at magulo sa “daigdig ng mga patay.” Sa hitsura, hindi naiiba ang mga tao sa sinaunang tao, ang kanilang lugar na pahingahan ay tulad ng impiyerno, at bilang mga kasama ay nakapaligid sa kanila ang lahat ng uri ng maruruming demonyo at masasamang espiritu.

2 Sa panlabas, ang mga tao ay mukhang nakatataas na mga “hayop;” sa katunayan, namumuhay at naninirahan sila kasama ng maruruming demonyo. Dahil walang sinumang nag-aalaga sa kanila, namumuhay ang mga tao sa loob ng pananambang ni Satanas, nahuli sa mahihirap na gawain dito na walang daan ng pagtakas. Sa halip na sabihing nagsasama-sama sila ng kanilang mga minamahal sa maginhawang mga tahanan, namumuhay nang masaya at nakasisiyang mga buhay, masasabi na ang mga tao ay nakatira sa Hades, nakikitungo sa mga demonyo at nakikisama sa mga diyablo. Sa katunayan, nakagapos pa rin ang mga tao kay Satanas, nakatira sila kung saan nagtitipon ang maruruming demonyo, minamanipula sila ng maruruming demonyong ito. Ang tao’y ilang dekada nang naninirahan dito sa daigdig ng mga patay, o ilang siglo na, o maging ilang milenyo pa nga. Ninanais ng Diyos na baguhin ang mga tao, iligtas sila, sagipin sila mula sa puntod ng kamatayan, upang maaari silang makatakas mula sa pamumuhay nila sa Hades at sa impiyerno.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 5

Sinundan: 366 Hindi Pababayaan ng Diyos Yaong mga Tunay na Nananabik sa Kanya

Sumunod: 368 Nalimutan na Ba ang Pagkamuhi ng Lumipas na mga Kapanahunan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito