368 Nalimutan na Ba ang Pagkamuhi ng Lumipas na mga Kapanahunan?

1 Sa madilim na lipunang ito, ang tao ay nagdurusa ng sunud-sunod na sakuna, datapwa’t hindi pa siya kailanman nagising dito. Kailan niya aalisin sa kanyang sarili ang kanyang kabaitan sa sarili at malaaliping disposisyon? Bakit sobra siyang walang malasakit sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aapi at paghihirap na ito? Hindi ba niya inaasam ang araw na maaari niyang palitan ng liwanag ang kadiliman? Hindi ba niya inaasam na minsan pang malunasan ang mga kawalang-hustisya tungo sa katuwiran at katotohanan? Handa ba siyang manood nang walang ginagawa habang tinatalikdan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siyang patuloy na tiisin ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga alipin ng nabigong kalagayang ito? Nasaan ang iyong kapasyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? Handa ka bang ibigay ang iyong buong buhay para sa malaking pulang dragon, ang hari ng mga diyablo? Masaya ka bang hayaan itong pahirapan ka hanggang kamatayan?

2 Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, habang ang mga karaniwang tao, na nagdurusa ng matinding pasakit, ay umiiyak sa Langit at nagrereklamo sa lupa. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo? Payat at buto’t balat ang tao, paano niya malalabanan itong malupit at abusadong diyablo? Bakit hindi niya ibinibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa pinakamadaling panahong makakaya niya? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya? Kailan niya matatapos ang gawain ng Diyos? Dahil walang-katuturang tinakot at inapi nang ganoon, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay magugugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at nagmamadaling umalis? Bakit hindi siya nagtatabi ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libu-libong taon ng poot?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8

Sinundan: 367 Inililigtas ng Diyos ang mga Tao mula sa Buhay ng Impiyerno sa Lupa

Sumunod: 369 Yaong mga Nasa Kadiliman ay Dapat Bumangon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito