Tanong 5: Naging tao na ngayon ang Makapangyarihang Diyos at bumaba na sa lupa. Sabi sa panalangin ng Panginoon: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Hindi ba natupad ang mga salitang ito sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? May kaugnayan ba ang propesiya na “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao” mula sa Aklat ng Pahayag sa pagparito ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan? Ano ang mas malalim na kahulugan ng pagiging tao sa mga huling araw?
Sagot: Ang mga itinatanong mo ay mga pangunahing alalahanin ng karamihan. Dahil narito na ang Diyos, lahat ng Kanyang pangako ay matutupad. Ang pagparito ng Makapangyarihang Diyos ay nagsimula sa Kapanahunan ng Kaharian at lubos na winakasan ang dating kapanahunan. Dumating nang lihim ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo, at nakagawa na ng isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang malaking sakuna. Naisagawa na ang Kanyang dakilang gawain, at di-magtatagal ay ipapadala Niya ang malaking sakuna at hayagang magpapakita sa lahat ng bansa at lahat ng tao. Patunay iyan na natamo na ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang kaharian at bumama na sa lupa. Tinuruan ng Panginoong Jesus ang mga tao sa Panalangin ng Panginoon: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. Aat huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa” (Mateo 6:9–13). Nagsimula nang matupad ang mga salitang ito, na nagtutulot sa mga tao na makita na ang tabernakulo ng Diyos ay nasa lupa. Ang grupo ng mga mananagumpay na nagawa ng Diyos ay yaong mga mamumuno bilang mga hari sa tabi ng Diyos sa Kaharian sa Milenyo, at sila ang magiging mga haligi sa kaharian. Tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Natamo na ng Diyos ang isang grupo ng mga kaisa Niya ang puso’t isipan, at ipinapakita nito na narito na sa lupa ang Kanyang kaharian, at nagpapahiwatig na lubos na Siyang nagtagumpay sa lahat ng masasamang puwersa ni Satanas, lumitaw na ang kaharian ni Cristo sa lupa, at naisagawa na ang kalooban ng Diyos sa loob ng kaharian ni Cristo, tulad sa langit. Sa kaharian ni Cristo, kasalukuyang sumasailalim ang mga tao ng Diyos sa lahat ng klase ng pagsubok, at lahat ng kayang manindigan at magpatotoo ay ang mga tao ng kaharian ng langit, at lahat ng masasama, masasamang espiritu, mga duwag, at ang mahahalay ay nahayag at napuksa. Ipinapakita nito na lumitaw na ang kaharian ni Cristo, at naisakatuparan na ang dakilang gawain ng Diyos! Walang mga puwersa ni Satanas ang makakagambala o makakasira sa realidad ng nakamit ng Diyos. Tingnan natin ang ilang talata mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. … Naglalakad Ako ngayon sa piling ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa piling nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, siguradong mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, siguradong gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahanap sa Akin, siguradong makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang talikuran ang kanilang sarili, siguradong papasok sila sa Aking nasasakupan at magmamana ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga gumugugol para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga kasiyahan ang mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; siguradong magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, siguradong magkakaroon sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking bahay, at walang maikukumpara sa kanila. Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19).
“Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:
“Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26).
Ang katotohanan ng pagtatamo ng kaharian at pagbaba ng Diyos sa lupa ay nailatag na sa ating harapan. Isinasagawa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang lahat, at naihayag ng mga ito ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. Ang Kanyang partikular na biyaya ay ang maunawaan natin ang tinig ng Diyos at makita ang Kanyang anyo. Ang pagiging tao at paggawa ng Diyos sa piling ng mga tao ay hindi lang para iligtas ang sangkatauhan, kundi may mas malalim na kahulugan. Nakasaad sa isang propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila: At papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3–4). Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, ibig sabihin, kasama ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao, at nabubuhay at naninirahan na kasama ng mga tao. Bumibigkas Siya ng mga salita para padalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at nakita na ng lahat ng tao ang Diyos nang harapan sa pamamagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman. Nakita na nila ang Kanyang angking disposisyon, kung ano mayroon Siya at kung ano Siya, at ang Kanyang banal na diwa. Natamasa na nila ang Kanyang awa at pagmamahal at natikman ang Kanyang matuwid at dakilang disposisyon na hindi nagpaparaya sa mga pagkakasala ng sangkatauhan. Sa pagkilala sa Diyos, lubos na napadalisay ang mga tao at sumunod at sumamba sa Diyos. Ito ang mas malalim na kahulugan ng pagiging tao at paggawa ng Diyos ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Natamo na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao na nakakaunawa at sumusunod sa Kanya, at kaisa Niya ang puso’t isipan. Ang mga tao sa grupong ito ay nauunawaan ang Kanyang mga salita, nagiging Kanyang mga kasama, at nagiging napakalapit sa Kanya. Lagi silang papanig sa Diyos, at ito ang katuparan ng panimulang mga kagustuhan ng Diyos sa paglikha sa sangkatauhan. Personal na magpapakita ang Diyos sa Kanyang mga tao, at mamumuno sa natitirang buhay sa sangkatauhan sa pamumuhay sa lupa, mamumuhay Siya sa piling nila, maninirahan sa piling nila, at magagalak na kasama nila. Matatamasa rin ng sangkatauhan ang maganda at masayang buhay sa piling ng Diyos. Ito ang makakamit ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at ito ang pinakadakilang pangako at pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa tao.
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan