Tanong 5: Ginawang napakalinaw ni Pablo sa 2 Timoteo na “ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16). Ibig sabihin nito na ang bawat salita sa Biblia ay ang salita ng Diyos, at kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia. Ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Ang paglayo mula sa Biblia ay nangangahulugan ng hindi paniniwala sa Panginoon! Hinihingi lamang ng ating paniniwala sa Panginoon na manalig tayo nang matatag sa Biblia. Kahit na hindi natin tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, maaari pa rin tayong maligtas at makakapasok sa kaharian ng langit. May anumang pagkakamali ba saganitong pag-unawa?

Sagot: Ang karamihan sa relihiyosong mundo ay umaasa sa mga salita ni Pablo na “Ang lahat ng mga banal na kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos” sa pagpapasiya na ang lahat ng nasa Biblia ay ang salita ng Diyos, at hangga’t nananalig ang tao sa Biblia ay dadalhin sila sakaharian ng langit. Lalo na sa mga huling araw, naniniwala pa rin dito ang karamihan sa mga mananampalataya ng Panginoon. Ngunit naaayon ba ang pananaw na ito sa katotohanan at mga katunayan? Sinabi ba kailanman ng Panginoong Jesus na “Ang lahat ng mga banal na kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos”? Nagpatotoo ba kailanman ang Banal na Espiritu sa mga ito? Hindi! Sinabi ito ni Pablo. Marami sa mga mananampalataya ang gumamit ng mga salitang ito ni Pablo bilang batayan ng kanilang paniniwala na ang bawat salita sa Biblia ay hango sa Diyos at ang salita ng Diyos. Hindi ba ito isang malaking pagkakamali? Naniniwala din ang ilang tao na kahit na winiwika ng isang tao, ito ay ang salita ng Diyos hangga’t naitala ito sa Biblia. Hindi ba’t nakakalinlang at kakatuwa ang naturang pananaw? Dapat ay napakalinaw na ang lahat sa mga mananampalataya ng Panginoon na ang Biblia ay isa lamang patotoo ng Diyos at isang tala na nagdodokumento sa gawain ng Diyos. Ang paglikha ng Biblia ay batay sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay puno ng labanan sa pagitan ng Diyos at ng masasamang puwersa ni Satanas, kaya ang salita ng Diyos ay hindi lamang ang tanging bagay na naitala sa Biblia, dahil mayroon ding mga salita mula sa iba’t ibang tao at kahit kay Satanas. Ito ay isang malinaw na katunayan. Isa ba itong mapaninindigang argumento na sabihing ang bawat salita ng Biblia ay salita ng Diyos? Hindi ba nito binabaluktot ang katotohanan at pinaghahalo ang itim sa puti? Paano nagawang magbuo ng mga tao ng gayong maling paniniwala? Bakit hindi nila kayang magsalitaayon sa mga katotohanan? Ang sinumang nakabasa ng Biblia ay alam na naglalaman ang Biblia ng mga pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ni Moises, sa pagitan ng Diyos at ni Job, sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga napiling tao, at sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Posible bang ang mga salitang winika ng taong kausap ng Diyos ay naging salita ng Diyos? Hindi ba iyon masyadong kakatuwa? Samakatuwid, ang kasabihang “Ang lahat ng mga banal na kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang salita ng Diyos” ay hindi maaaring mapanindigan! Ang ilan sa mga kakatuwang tao ay basta na lang ipinilit na ang salita ng tao sa Biblia ay salita ng Diyos. Ito ay ganap na naiiba sa katotohanan. Ganap nitong dinudumihan ang Diyos, nilalapastangan ang Diyos, at seryosong nagkakasala sa disposisyonng Diyos! Ang mga salita ng Diyos ay salita ng Diyos, ang mga salita ng tao ay salita ng tao, at ang mga salita ni Satanas ay salita ni Satanas. Bakit pinaghahalo ng mga tao ang mga ito? Laging magiging katotohanan ang mga salita ng Diyos. Hindi kailanman magiging katotohanan ang mga salita ng tao at kadalasan ay maaari lamang sumunod sa katotohanan. Laging magiging kabulaanan at kasinungalingan ang mga salita ni Satanas. Kahit na binigkas nang sampung libong beses, mga kabulaanan at kasinungalingan pa rin ang mga ito! Dapat tanggapin ng mga matatalinong tao ang katunayang ito. Tanging ang mga hangal na tao lamang ang magpipilit sa mga maling pananaw. Mas malilinawan tayo sa problemang ito pagkatapos nating basahin ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at ang Diyos ay Biblia. Kaya, naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay siyang mga tanging salita na binigkas ng Diyos, at lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat ng animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay nagmumula sa inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling pagkaunawa ng tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng isang tao, resulta lahat ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga tuwirang pagbigkas ng Banal na Espiritu. … Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3).

Naniniwala ang maraming mananampalataya na “Ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos, kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon, ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia.” Ang gayong pananaw ay hindi mali, ngunit para sa mga taong may karanasan, ang naturang pananaw ay mali sa sarili nito. Ipinakikita nito na naniniwala ang mga tao sa Diyos ngunit hindi nila kilala ang Diyos, bukod dito ay hindi malinaw sa kaugnayan ng Biblia at ng Diyos. Kung sinuman pa rin ang nagpipilit na kinakatawan ng Biblia ang Diyos at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos, hayaan mong tanungin kita: Inililigtas ba ng Biblia ang tao o inililigtas ng Diyos ang tao? Kaya bang palitan ng Biblia ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain? Kaya bang palitan ng Biblia ang gawain ngBanal na Espiritu? Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay. Kaya bang likhain ng Biblia ang langit at lupa at lahat ng mga bagay? Mas higit ba ang Diyos o ang Biblia? Ang Diyos ba ang unang dumating o unang dumating ang Biblia? Isinaalang-alang ba ng lahat ang mga tanong na ito? Kung hindi pa rin maunawaan ng mga tao ang mga sentido komun na mga bagay na ito na dapat maunawaan ng mga mananampalataya, kung gayon sila ba’y mga taong nararanasan ang gawain ng Diyos? Hindi ba nila naranasan ang alinman sa mga gawain ng Banal na Espiritu kahit minsan? Wala ba silang anumang kaalaman sapagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos? Alam nating lahat na ang Diyos ay ang iisa at tunay na Diyos, ang Panginoon ng paglikha. Nakakapagwika ng salita ang Diyos, nilikha ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, at pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay. Ang Diyos ay Espiritu, ngunit maaaring Siyang maging tao tulad ng Anak ng tao upang magsalita at gumawa kasama ng tao, tubusin ang tao, at iligtas ang tao. Ang Diyos ay tunay at buhay, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon at nang nakaraan at sa darating. Ang Biblia, sa kabilang banda, ay isang tala lamang na nagdodokumento sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isa itong libro ng kasaysayan. Paano maihahambing ang Biblia sa Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit, kahit na anong pananaw, ang Biblia ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos, ang paniniwala sa Biblia ay hindi naniniwala sa Diyos, at ang pagkapit sa Biblia ay hindi pagsunod sa Diyos. Ang Biblia ay ang Biblia, ang Diyos ay Diyos. Ang Biblia at ang Diyos ay ganap na magkaibang bagay. Ito ay isang katunayan na hindi maaaring pabulaanan ng sinuman!

mula sa iskrip ng pelikulang Basagin ang Sumpa

Sinundan: Tanong 4: Kitang nagpatotoo na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita at isinagawa ang Kanyang gawain ngpaghatol magsimula sa bahay ng Diyos. Malinaw na wala ito sa Biblia. Madalas sabihin sa atin ng mga pastor at pinuno na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia. Walang salita at gawain ng Diyos ang nasa labas ng Biblia. Ang gawain na pagliligtas ng Panginoong Jesus ay nakumpleto na. Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araway upang dalhin nang direkta ang Kaya sa tinagal-tagal, Kaya sa tinagal-tagal, naniwala tayong nakabatay sa Biblia ang paniniwala sa Panginoon. Hangga’t nananampalataya tayo sa Biblia magagawa nating pumasok sakaharian ng langit at tumanggap ng buhay na walang hanggan. Ang paglayo mula sa Biblia ay ang pag-iwan sa daan ng Panginoon. Ito ay paglaban at pagtataksil sa Kanya. Ganoon ang iniisip ng lahat ng mga relihiyosong pastor at pinuno. Ano ang maaaring mali doon?

Sumunod: Tanong 6: Ang Biblia ay ang Biblia, ang Diyos ay Diyos. Nauunawaan ko na ang Biblia ay hindi talaga maaaring kumatawan sa Diyos. Ngunit ano nga ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Diyos? Hindi ko pa rin maintindihan. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin nang higit pa!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito