162 Tumatakbo Tungo sa Landas ng Liwanag
Ⅰ
Masdan ang kaabahan ng mundo,
lubhang natiwali ni Satanas ang sangkataunan.
Nangangapa’t naghihirap sa loob ng kirot at dilim,
pa’nong makatatagpo ang tao ng landas ng liwanag?
Buti na lang naipahayag na ng Diyos ang katotohanan,
narinig ko na ang tinig N’ya at nanumbalik sa Kanya.
Sumasaksi ako sa pagpapakita’t gawain
ni Cristo ng mga huling araw,
gayunman dumaranas ng pagtugis
at pag-uusig ng pamahalaan ng Tsina.
Madalas akong nagdarasal sa madidilim na gabi,
nagbibigay sa akin ng pananampalataya
at lakas ang mga salita ng Diyos.
Para sangkatauha’y iligtas
nagtitiis ang Diyos ng malaking kahihiyan,
gayon kalaking karangalan ang pagdurusang kasama ni Cristo.
Pinagpala akong marinig ang mga pagbigkas ng Diyos,
ang paniniwala sa Diyos
nang hindi nagkakamit ng katotohanan ay nagiging kahihiyan.
Anumang darating na panganib at paghihirap,
tinatalikdan ko lahat para sumunod kay Cristo hanggang wakas.
Ⅱ
Sa madilim at kakila-kilabot na piitang Tsino,
sa pahirap nag-agaw buhay ako.
Sa pighati binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng aliw at lakas.
Nadarama ang pag-ibig ng Diyos, mga ilog iniluha ko.
Nakita ko ang palagiang pangangalaga at proteksyon ng Diyos,
nalaman ko ang awtoridad
at kapangyarihan ng Kanyang mga salita.
Ang bilangguan ng diyablo ay parang impiyerno,
nasaktan ako ngunit mas napalapit sa Diyos.
Sa pag-uusig, masaklap na karanasan, pagsubok,
nakita ko sa wakas ang malasatanas na mukha
ng Chinese Communist Party.
Ang diyablo ay nasa kapangyarihan,
nagsisinungaling at nandaraya,
tinutukso nito ang tao’t ginagawang bulok.
Nagpakita na ang Cristo ng mga huling araw at gumagawa,
dinadala sa sangkatauhan kapwa ang liwanag at katotohanan.
Ang mga may puso at espiritu
ay kailangan piliin ang katotohanan at pagkamatuwid,
kahit mangahulugan ito ng pagbubuwis ng buhay.
Sa pagkaalam na si Cristo ay ang katotohanan,
ang daan, ang buhay,
tumatakbo ako tungo sa landas ng liwanag.