466 Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao
Ⅰ
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay
na trabaho sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming paninirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa Siya ng libu-libong tao’ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin
ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap
ng Kanyang katawang-tao at hindi lumaban.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.
Ⅱ
Ang Diyos sa katawang-tao ay nagdusa
nang sapat na pang-aalipusta at nakaranas
ng pagbubukod at pagpapako sa krus;
pinagtiisan din Niya ang
pinakamasama sa mundo ng tao.
Hindi nakayanan ng Ama sa langit na makita ito.
‘Tiningala Niya ang Kanyang ulo
at ipinikit ang Kanyang mga mata
upang hintayin ang pagbabalik
ng Kanyang minamahal na Anak.
Ⅲ
Ang Diyos ay matagal nang tumigil sa paghingi sa tao.
Ang presyo na binayaran Niya ay masyadong mataas,
at gayon pa man ang tao ay patuloy na hindi nag-aalala;
sa gawain ng Diyos sila’y nagbubulag-bulagan lang.
Ang tanging hangarin ng Diyos ay
makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap
ng Kanyang katawang-tao at hindi lumaban.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 4