163 Nabubuhay na Mag-muli ang Mga Banal sa Buong Mga Kapanahunan
Ipinapanganak na muli ang mga banal sa buong mga kapanahunan! Ipinapanganak na muli ang mga banal sa buong mga kapanahunan!
1 Kapag iniisip ang paghihirap at pagkakakulong ng mga banal sa buong mga kapanahunan, hindi natin mapigilang umiyak. Pinagdusahan nila ang lahat ng uri ng pag-uusig at pasakit sa piling ng mga tao, niyurakan sila at siniraan. Pinagtiisan nila ang pasakit at kahihiyan nang ilang salinlahi, napakaraming suntok, napakaraming hagupit ng latigo, napakaraming pagwasak at pagpapahirap, pati mga pagbato at pagpatay. Napakaraming taon sa kadiliman nang walang sikat ng araw.
2 Ang araw ng pagiging matuwid ay sumisikat sa Silangan at iniilawan ang sansinukob at kalangitan, at biglang nagbago ang lahat, isang bagong kalangitan sa itaas ng lupa—oo. Hey, hey! Sinasalubong natin ang pagpapakita ng Anak ng tao; tayo ay nagagalak at tayo ay natutuwa. Tayo ay pinagpala na maitaas sa harap ng Diyos at makadalo sa piging ng kasal ng Cordero. Napupuno ang mga puso natin ng natatanging galak, na para bang nasa ikatlong langit tayo. Natitikman natin ang tamis ng mga salita ng Diyos, nakakamit natin ang pagkagiliw ng Diyos at may matinding kasiyahan sa ating mga puso. Ang mga puso natin ay palaging sa Diyos, Siya ang Hari ng ating mga puso, Siya ang Hari ng ating mga puso.
3 Dinadala ng Makapangyarihang Diyos kasama Niya ang daan ng walang hanggang buhay. Ang Kanyang mga salita ay humahatol sa atin, pumipino sa atin, lumilinis at bumabago sa atin. Hey, hey! Isang daang beses na tayong sinubukan at pinino, at pagkatapos ng labis na sakit, dumating ang tamis. Ang Kanyang mga salita ay naging pananampalataya natin, ang Kanyang mga salita ay naging buhay natin, at isinasabuhay natin ang isang bagong pagkakatulad sa tao. Nilinis tayo ng Diyos, pinalaya mula sa katiwalian ni Satanas, malaya ang mga puso natin nang higit kaysa dati. Nakamit na natin ang pagliligtas ng Diyos, at ipinapanganak na muli mula sa kamatayan. Iniligtas tayo ng Makapangyarihang Diyos, ipinapanganak tayong muli, ipinapanganak tayong muli.