Tanong 4: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

Sagot: Sa mga huling araw, inihahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol upang makagawa ng grupo ng mananagumpay, isang grupo ng mga taong kaisa sa puso at isip ng Diyos. Pinagpasyahan ito nang nilikha ng Diyos ang mundo. Ngunit may ilang mga tao na nakikita na naglalaman ng pagkondena at pagsumpa sa mga tao ang ilan sa mga salita ng Diyos at bumuo sila ng paniwala. Unang-una dito ay dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos. Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang dakilang puting trono ng paghatol na ihinula sa Aklat ng Pahayag. Ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon ng katuwiran, kadakilaan, at poot, at ito’y upang lubusang ilantad ang tao at maibukod ang bawat uri ng tao. Higit pa, ito’y upang wakasan ang lumang panahon at puksain ang mga na kay Satanas. Kaya yaong mga kaanib ni Satanas na lumalaban sa Diyos, hindi ba sila hahatulan at isusumpa ng Diyos? Kahit na may ilang mga salita ng paghatol at inilalantad ang katiwaliang ibinunyag ng mga piniling tao ng Diyos at ng kanilang tuMa na tiwaling pagkakatulad, na tila isa ’tong panghuhusga, ito’y alang-alang sa pagpayag sa mga piniling tao ng Diyos upang malinaw na makita ang diwa ng kanilang mga tiwaling disposisyon at makita ang pinakaugat ng isyu, at magbunga ng pag-unawa sa katotohanan. Kung hindi naging napakalupit ng Diyos, kung hindi ganap na nailarawan ng Kanyang mga salita ang situwasyon, hindi natin malalaman ang sarili nating tiwaling pagkakatulad at maka-satanas na kalikasan, at hindi magiging posible para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw na makamit ang resulta ng pagdadalisay at pagperpekto sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga nagmamahal sa totoo at nirerespeto ang tuMa ay makikitang matalim ang mga salita ng Diyos, maging salita man ito ng paghatol at pagkastigo, o pagkondena at sumpa, ganap na nakaayon ang lahat ng mga ito sa mga aktwal na katuMaan. Nagsasalita ang Diyos sa ’sang napakapraktikal at napaka-tuMa na paraan, at hindi ’to naging sobra. Mula sa mga resultang nakamit sa malulupit na salitang ’to ng Diyos, nakikita nating lahat na nakatago sa loob nito ang tuMa na pagmamahal ng Diyos sa tao at ang Kanyang mabuting intensyon ng pagliligtas sa tao. Tanging yaong mga sawa na sa totoo ang makaka-isip ng mga paniwala, at tanging yaong mga namumuhi sa totoo ang humahatol at humuhusga sa gawain ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa Tsina nang higit sa 20 taon at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay. Napasailalim sila sa brutal na panunupil at pag-uusig ng gobyernong CCP, at kaya nilang lahat manindigan at sumaksi. Ito’y lubusang bungang nakamit ng mga salita ng Diyos. Nakita nilang lahat ang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang mga salita, at nakita nila kung paano Siya nagdusa upang iligtas ang sangkatauhan. Kahit na ang ilan sa Kanyang mga salita ay napakalupit ngunit nagagawa nilang sundin ang mga ’to, at mula roon ay mayro’n silang tuMa na kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos. Napaunlad nila ang mga pusong may paggalang at pag-ibig sa Diyos. Nakakaya nilang lahat na tuparin nang tapat ang kanilang tungkulin, at sundin ang Diyos hanggang wakas. Ito ang pinaka-humahamak kay Satanas, at ito ang patuMa na tinatalo ng Diyos si Satanas. Pagdating sa kung paano hinuhusgahan at dinadalisay ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw, tingnan natin ang ilang sa mga talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos at mas magiging malinaw sa atin ito.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Sa anong mga kaparaanan isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, pagiging maharlika, paghatol, at sumpa, at ginagawa Niyang perpekto angtao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng Kanyang paghatol. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at itinatanong nila kung bakit nagagawa lamang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, ‘Kung isusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?’ Gayon ang mga salita ng mga taong hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos. Ang isinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t mabagsik Siyang magsalita at walang habag, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, ibinubunyag sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito kung ano yaong mahalaga sa kalooban ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay makasalanan at kay Satanas, ito ay suwail, at ito ang pakay ng pagkastigo ng Diyos. Sa gayon, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, kailangan niyang sapitin ang mga salita ng paghatol ng Diyos at kailangang gamitan ito ng bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang magiging epektibo ang gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos).

Lahat kayo ay naninirahan sa isang lupain ng kasalanan at kahalayan, at lahat kayo ay mahalay at makasalanan. Ngayon ay hindi lamang ninyo nakikita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo ang tunay na malalim na pagliligtas, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang ginagawa, totoong mapagmahal ang Diyos sa inyo. Wala Siyang masamang layon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang suriin ninyo ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking pagliligtas na ito. Lahat ng ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at wala Siyang hangaring ganap na wasakin sa Kanyang sariling mga kamay ang mga taong Kanyang nilikha. Ngayon, naparito Siya sa inyo upang gumawa; hindi ba ito mas maituturing na pagliligtas? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawa pa ba Siya ng gayon kalaking gawain upang personal kayong gabayan? Bakit Niya kailangang magdusa nang gayon? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masamang layon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoong pagmamahal. Dahil lamang sa suwail ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi dahil dito, imposible silang mailigtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay at ni wala kayong malay kung paano mabuhay, at dahil kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lupaing ito at kayo mismo ay mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya matiis na hayaan kayong maging mas masama, hindi Niya matiis na makita kayong nabubuhay sa maruming lupaing ito tulad ngayon, na tinatapak-tapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, at hindi Niya matiis na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lamang Niyang maangkin ang grupong ito ng mga tao at lubusan kayong iligtas. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawain ng panlulupig sa inyo—para lamang ito sa pagliligtas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4).

Napakalinaw na inihayag at napakadaling maunawaan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nabubuhay ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas, nabubuhay sa kasalanan, at nagpapakasaya sa kasalanan ’yon. Wala sa relihiyosong komunidad ang nakapansin sa pagdating ng Diyos at walang nagmamahal sa katotohanan o tinatanggap ito. Anuman ang paraan ng pagsaksi ng mga tao sa Diyos o pagpalaganap sa Kanyang salita, gaano ba karami ang aktibong hinanap o sinisiyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos? At gaano pa rin ba karami ang kayang tumanggap at magpasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Hindi ba sasabihin ng lahat na ang sangkatauhang ito ang pinakarurok ng kasamaan? Kung ’di dahil sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang sangkatauhang ’to na lubusang ginawang tiwali, puno ng maka-satanas na disposisyon, at itinatatwa’t nilalabanan ang Diyos, madadalisay ba sila at matatanggap ang kaligtasan ng Diyos? Kung hindi dahil sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, sino ang makakabuo ng grupo ng mga mananagumpay? Paano matutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus? Paano matutupad ang kaharian ni Cristo? Marami sa mga taong may pananampalataya sa Panginoon ay naniniwalang mapagmahal at maawain ang Diyos at anuman ang magawa nating kasalanan, pawawalang-sala pa rin tayo ng Diyos. Naniniwala sila na kahit gaano tayo katiwali, walang sinuman ang isasantabi at walang alinlangang dadalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit kapag Siya ay bumalik. Makatwirang pananaw ba ’to? May anumang bang salita ng Panginoon ang kayang suportahan ’to? Isang banal at matuwid na Diyos ang Diyos; pahihintulutan ba Niya kung gayon ang mga taong nabahiran ng dumi at katiwalian, na puno ng maka-satanas na disposisyon, itinatatwa ang katotohanan, at mga kaaway ng Diyos na makapasok sa Kanyang kaharian? Kung gayon, ihinula ng Panginoong Jesus na babalik Siya, at sa mga huling araw ihahayag ang katotohanan, gagawin ang Kanyang gawain ng paghatol at lubos na dadalisayin at ililigtas ang sangkatauhan. At sa sangkatauhang lubos na nabahiran ng katiwalian, tiyak na ilalabas ng Diyos ang katotohanan at ipapatupad ang Kanyang paghatol at pagkastigo sa kanila. Ito lang ang tanging paraan upang pukawin ang mga puso’t espiritu ng tao, upang lupigin ang tao, at madalisay mula sa kanilang maka-satanas na disposisyon. Kahit na malupit ang mga salita ng paghatol ng Diyos laban sa tao dahil sa karumihan, katiwalian, pagsuway, at paglaban sa Diyos, gayunpaman ipinapakita nito ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos, at hinahayaan din tayo nitong unawain ang sarili nating maka-satanas na likas at tuMa na tayo’y tiwali. Sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, lahat tayo ay nalupig ng salita ng Diyos, kusang loob tayong nagpapasakop sa Kanyang paghatol, unti-unting nauunawaan ang katotohanan, at nakikita nang malinaw ang sarili nating maka-satanas na disposisyon at likas, nakakamit natin ang tuMa na pag-unawa sa makatuwirang disposisyon ng Diyos, nakabuo tayo ng pusong may paggalang sa Diyos, hindi natin namamalayang nagbago na ang ating pananaw sa mga bagay, nagbago ang ating disposisyon sa buhay, at nagagawa nating igalang ang Diyos at iwasan ang kasamaan. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay natupad nito sa wakas ang pagbuo sa isang grupo ng mananagumpay, na bunga ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at itong tuMa na kabuluhan sa likod ng gawain ng paghatol ng Diyos simula sa Kanyang bahay. Ano ang pinahihintulutan nitong makita natin? Hinahatulan at inilalantad ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng Kanyang salita hindi upang parusahan at lipulin ang tao, ngunit upang ganap na dalisayin, baguhin at iligtas ang tao. Ngunit para sa mga taong tumatangging tanggapin ang paghatol at pagdalisay ng salita ng Makapangyarihang Diyos, mahuhulog sila sa kalamidad at parurusahan sa pagdating ng mga malalaking sakuna.

Dumaan kami ng ilang taon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos at naunawaan ang ilang katotohanan. TuMa naming nakita na talagang napakalalim ng katiwalian ng sangkatauhan dahil kay Satanas, na ang bawat tao’y puno ng maka-satanas na disposisyon ng pagmamataas, panlilinlang, pagiging makasarili, sakim at kasuklam-suklam. At madalas nilang hindi mapigilan ang kanilang sariling magsinungaling at mandaya. Ang kanilang buhay ay halos walang pagkakatulad sa tao. Sa harap ng Diyos, lahat tayo’y nahihiya’t nagsisisi, at wala tayong mapagtataguan. Ito’y ’sang aspeto ng kung ano ang nakukuha natin mula sa pagpasailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Ang pinakadakilang bagay na nakuha natin ay ang pagkakaroon ng tuMa na pang-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos at banal na diwa, kaya’t natatakot tayo sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at nabubuhay ng tulad sa isang tuMa na tao. Lahat tayo’y taos-pusong nadarama na tuMa nating nakamit ang pagdalisay mula sa Diyos, at nakakuha ng dakilang kaligtasan mula sa Kanya. Noong nakaraan, noong nagtrabaho ako bilang pinuno sa iglesia, lagi akong nakatuon sa sarili kong katanyagan at katayuan, at hindi ko inako ang pasanin sa buhay ng mga kapatid. Lagi kong gustong may ibang taong nakapaligid sa’kin, at sakim ako sa pagpapala ng katayuan. Mapagmataas ako’t di nakumbinsi ninuman. Kapag may ibang opinyon ang isang tao sa isang bagay na dating naranasan at mas alam kaysa sa akin, magmamatigas ako sa’king paniniwala at magpapatuloy sa pagsasalita nang tahasan upang mapasunod yong taong ’yon. Dahil ’di ako nagtuon sa paghanap ng totoo’t ’di taglay ang realidad ng totoo, kapag nangaral ako, nagsasalita lang tungkol sa ilang literal na pag-unawa upang ipagyabang ang sarili ko, Sa gan’tong paraan ’di ko nalalaman kapag ang sariling pagkilos ay nasaktan ang disposisyon ng Diyos. Hanggang sa isang araw ay nabasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang pakinabang, mapagmagaling at mayabang, mapagpasikat, at pinoprotektahan ang sarili nilang katayuan ay mga taong nagmamahal kay Satanas at kumokontra sa katotohanan. Ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at lubos na nabibilang kay Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tumakas Mula sa Impluwensya ng Kadiliman, at Kakamtin Ka ng Diyos). “Ang inyong larawan ay higit pa kaysa sa Diyos, ang inyong katayuan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, maliban pa sa inyong kabantugan sa mga tao—naging idolo na kayo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba kayo naging ang arkanghel? Kapag inihahayag na ang mga kalalabasan ng mga tao, na kung kailan rin malapit nang matapos ang gawain ng pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na wala nang pag-asang maligtas at kailangang alisin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7). Ang bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan, at tumusok ang mga ito sa’king puso na parang espada. Wala akong mapagtaguan, natakot ako at nanginginig, at nadama kong ibinubuhos ng Diyos ang Kanyang poot sa akin. Hindi ko maiwasang magpatirapa sa harapan ng Diyos at magsisi sa aking masamang gawi. Naniwala ako sa Diyos ngunit ’di ko hinanap ang totoo, ’di ko itinaas ang Diyos at sumaksi sa Kanya, ngunit sa pagsasagawa ng aking tungkulin, madalas kong itinindig ang aking sarili at nagyabang upang hangaan at tingalain ako ng mga tao. Hindi ba ako nanlilinlang at nilalagyan ng tanikala ang iba? Hindi ba ako nakikipagpaligsahan para sa katayuan sa Diyos? Ano ang pagkakaiba ko at ng arkanghel? Masyado akong mapagmataas, at wala akong kahihiyan! Nasaktan ng aking mga kilos ang disposisyon ng Diyos matagal nang panahon, at ang isang tulad kong nakikipagpaligsahan para sa katayuan sa Diyos ay tiyak na magiging target ng Diyos upang maalis, at dapat isumpa. Masyado akong nasaktan at kaya dinalisay ako. Nanalangin ako sa Diyos at hinanap ang katotohanan, at pagkatapos higit ko pang binasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bagama’t pinipino at walang-awang inilalantad ang mga tao sa pagkastigo at paghatol ng Diyos—na ang layon ay parusahan sila para sa kanilang mga kasalanan, parusahan ang kanilang laman—wala sa gawaing ito ang nilayong isumpa ang kanilang laman hanggang sa mawasak. Ang matitinding pagsisiwalat ng salita ay para lahat sa layunin na akayin ka sa tamang landas. Personal na ninyong naranasan ang napakarami sa gawaing ito at, malinaw, hindi kayo naakay nito sa isang masamang landas! Lahat ay upang maisabuhay mo ang normal na pagkatao, at magagawa ang lahat ng ito ng iyong normal na pagkatao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, bigla kong nakita ang liwanag, at naunawaan ko ang mabuting intensyon ng Diyos sa Kanyang paghatol sa akin. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay hindi upang alisin ako, ngunit upang makilala ko ang sarili kong mapagmataas na maka-satanas na likas, upang makilala ang kalikasan at kahihinatnan ng aking mga gawi, at malaman ang saloobin ng Diyos sa pakikitungo sa mga taong tulad ko. Yon ay upang tuMa akong magsisi, kamuhian ang aking sarili, talikuran ang aking sarili, makayang hanapin ang totoo, hanapin ang pagbabago sa disposisyon, at ipamuhay ang normal na pagkatao. Inalis ng mga salita ng Diyos ang aking maling pagkakaunawa sa Diyos. Hindi na ako negatibo at mahina, at sinimulan kong hanapin ang katotohanan. Nang bumalik ako sa Diyos at nakita kong hindi Niya ako iniwan, ni ’di rin Siya nakikitungo batay sa pagkukulang ko, sa halip ay binigyang liwanag at binigyang linaw Niya ako, Nauunawaan ko ang kabuluhan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga tao. Talagang nadama ko ang Kanyang awa at pagliligtas. Matapos sumailalim sa paghatol at pagkastigo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, Nalaman ko ang katuwiran at kabanalan ng disposisyonng Diyos, na kinamumuhian Niya ang kasalanan ng tao at ang maka-satanas na disposisyon nila, na dahilan na binibigkas Niya ang mga salita ng panghuhusga at pagsumpa sa tao. Sa ganitong paraan nadama ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapabaya nang higit pa sa mga kasalanan ng tao, at nagkaroon ako ng pusong may paggalang sa Diyos. Matapos sumailalim sa ganoong uri ng paghatol at pagkastigo nang maraming beses, Nagkaroon ako ng tuMa na pag-unawa sa aking sariling mapagmataas na kalikasan. Kinamuhian ko ang aking sarili at nainis sa aking sarili mula sa kaloob-looban ng aking puso. Naging tapat ako sa pagtupad ng aking tungkulin, at hindi na ako arogante, hindi na ako nagyayabang gaya ng dati. Nagawa kong itaas ang Diyos at sumaksi sa Kanya, at tuparin ang aking tungkulin ayon sa Kanyang mga kinakailangan. Sa’king mga kapatid, nabigyan ko ng kamalayan ang sarili ko, at tuluyang inilantad ang maka-satanas kong kapangitan. Hindi na ako nagtuon pa sa pagtasa ng ibang tao sa akin, at kahit na masama ang sinabi tungkol sa akin ng isang kapatid, Makakabalik pa rin ako sa harapan ng Diyos, hinahanap ang totoo, at kinikilala ang sarili ko. Sa pagkakaroon ko ng mga pagbabagong ito at kaunti ng pagiging isang tao ay ganap na resulta ng pagkamit ng paghatol at pagkastigo sa’kin ng Makapangyarihang Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Napakagandang Tinig

Sinundan: Tanong 3: Sa mga pulong ng iglesia, madalas sabihin ng pastor at elder na ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay nagpapatunay na tapos na ang pagliligtas sa sangkatauhan, na sa pananalig lang sa Panginoong Jesus at pagkukumpisal ng ating mga kasalanan sa Kanyang harapan, napapatawad ang ating kasalanan, at hindi na tayo ituturing ng Panginoon na makasalanan. Napapawalang-sala tayo at inililigtas ng biyaya dahil sa ating pananampalataya. Tatanggapin tayo ng Panginoon sa kaharian ng langit pagbalik Niya, at hindi Siya posibleng magbalik para gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Pakiramdam ko hindi katanggap-tanggap ang pagkaunawang ito ng pastor at elder. Pero, ano ba talaga ang tinutukoy ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya sa krus na, “Naganap na”? Bakit kailangang magbalik ng Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain ng paghatol at pagdalisay sa tao?

Sumunod: Tanong 1: Nagpapatotoo kayo sa katunayan na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at nagkatawang-tao na para gawin ang Kanyang gawain. Hindi ko ito maintindihan. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nang makumpleto ang Kanyang gawain, Siya ay ipinako sa krus at pagkatapos ay nabuhay muli, nagpapakita sa lahat ng Kanyang mga disipulo at Siya ay umakyat sa langit sa Kanyang maluwalhating espirituwal na katawan. Gaya ng nakasaad sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Kaya nga, pinagtitibay ng Biblia na sa muling pagdating ng Panginoon, ang Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan ang magpapakita sa atin. Sa mga huling araw, bakit nagkakatawang-tao ang Diyos sa laman ng Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang pagkakaiba ng muling nabuhay na espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus at ng Kanyang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito