Tanong 10: Madalas na ipinapaliwanag ni Pastor Yuan ng aming iglesia ang Biblia, tinuturuan tayong maging mababang-loob, matiyaga, at masunurin. Kapani-paniwala ang kanyang pananalita, at mukhang makadiyos mula sa kanyang panlabas na anyo. Nakinig din si Pastor Yuan sa inyong pagpapatotoo tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa atin. Inamin din niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ngunit bakit hindi niya ito tinatanggap? Bakit nagkakalat pa siya ng mga tsismis sa lahat ng lugar, kinokondena at tinututulan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at pinipigilan ang mga tao na bumaling sa Makapangyarihang Diyos?

Sagot: Aang mga pinuno ng relihiyon na tumututol at nagkokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay hindi isang di-pangkaraniwang bagay. Noong pumunta ang Panginoong Jesus upang isakatuparan ang Kanyang gawain, hindi ba’t kinondena at pinahirapan din Siya ng mga namumunong Hudyo? Sa bandang huli ipinako pa nila ang Panginoong Jesus sa krus. Ito ang katotohanan batay sa kasaysayan. Darating ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at ang mga salitang Kanyang ipinapahayag ay katotohanan lahat at kinukumbinsi nang lubos ang mga tao. Ang sinuman na tapat na naniniwala sa Diyos at nagugutom sa katotohanan, kapag nabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos, ay babaling sa Makapangyarihang Diyos. Ngunit natatakot ang mga pastor at mga matatanda sa mga relihiyosong lupon na kung ang lahat ng mananampalataya ay babaling sa Makapangyarihang Diyos, wala nang matitira na makikinig sa kanilang hungkag na kaalaman tungkol sa Biblia at mga teorya sa teolohiya. Pagkatapos ay malalagay sa panganib ang kanilang katayuan at kabuhayan. Kung kaya’t kailangan nilang tutulan at kondenahin ang Makapangyarihang Diyos na parang mga baliw. Tingnan muna natin ang isang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang sinumang hindi nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos ay sumasalungat sa Kanya, at ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos ngunit hindi pa rin naghahangad na mabigyang-kasiyahan ang Diyos ay lalo pang higit na ituturing na kalaban ng Diyos. Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Walang naniwala na tututulan ng relihiyosong mundo ang Diyos, ngunit ibinunyag ng pagdating ng Panginoong Jesus ang mga anticristo sa mga relihiyosong lupon. Pinahirapan at kinondena ng mga pinuno ng relihiyon ang Panginoong Jesus, at sa huli, ipinako nila Siya sa krus. Ang katotohanang ito ay patunay na ang lahat ng pinuno ng relihiyon ay tinututulan ang Diyos habang naglilingkod sila sa Kanya. Kapag ipinapaliwanag ng mga pastor at mga pinuno ng relihiyon ng mga huling araw ang Biblia, madalas nilang ginagamit ang mga salita at doktrina upang maparangalan ang kanilang sarili, ngunit hindi nila isinasagawa ang mga salita ng Panginoong Jesus. Lalo na kapag darating sa kanila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, lubusang nalalantad ang kanilang pagkamuhi sa katotohanan at malasatanas na kalikasan. Upang protektahan ang kanilang mga posisyon at kabuhayan, gumagawa sila ng lahat ng uri ng tsismis at buong galit nilang tinututulan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos, nililinlang at kinokontrol ang mga mananampalataya. Isinasara pa nila ang iglesia sa ilalim ng pagkukunwaring gusto nilang “protektahan ang kawan ng tupa at ipagtanggol ang katotohanan,” hinahadlangan ang mga tao sa pagsisiyasat sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mas kasuklam-suklam ay binubuo at pinananatili ng ilang pastor at pinuno ang kanilang sariling reputasyon, sinusubukang makamit ang kanilang kasuklam-suklam na layunin na pagkukulong at pagkontrol sa mga tao, sa pamamagitan ng garapalang pagnanakaw sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pangangaral ng mga ito sa mga mananampalataya. Ito ay lubusang naglalantad sa kanilang marahas na mga ambisyon na makipagpaligsahan sa Diyos para sa katayuan. Itong mga pastor at pinuno ng relihiyon ay kapareho lang ng mga Fariseong Hudyo na nagkondena at tumutol sa Panginoong Jesus noon. Lahat sila ay namumuhi sa katotohan at mga anticristo na ang tingin sa Diyos ay kaaway. Magiging napakahirap sana na makita ang totoong mga kulay nila. Matindi ang kanilang paglabag sa disposisyon ng Diyos at nakatakdang makatanggap ng matuwid na kaparusahan ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 9: Gusto kong malaman kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol Niya para iligtas ang sangkatauhan kay Satanas. Maaari niyo bang ibahagi sa ’min ang karanasa’t patotoo niyo?

Sumunod: Tanong 11: Pinahirapan din si Pastor Yuan ng CCP dahil sa kanyang pananampalataya noong nakaraan. Hindi ko kailanman inakala na makikipagsabwatan siya sa mala-demonyong CCP upang tutulan ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ba ito garapalang pagsalungat sa Diyos? Paano naging napakataksil at napakamalisyoso ang mga pastor at mga namumuno na ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito