551 Ang Paninindigang Kinakailangan sa Paghahanap ng Katotohanan
Mayroon ba kayong determinasyon na unawain ang katotohanan, matamo ang katotohanan, at sa huli ay magawang perpekto ng Diyos?
1 Dapat mong marating ang isang kalagayan kung saan hindi nagbabago ang iyong paninindigan anumang kapaligiran ang makaharap mo; iyan ang kahulugan ng maging tapat, at iyan lamang ang tunay na pagmamahal sa katotohanan. Dapat kang maging taong tulad niyon. Hindi makatutulong ang magyumukyok sa takot o pagiging negatibo, na isinusuko ang sarili mong paninindigan kapag dumarating ang kaunting problema o hirap. Dapat mong taglayin ang lakas ng isang taong handang suungin ang mga panganib: “Anuman ang mangyari, kung kinakailangang mamatay ako, hindi ko tatalikuran kailanman ang aking paninindigan o isusuko ang mithiing ito.” Kung gagawin mo ito, walang paghihirap ang makapipigil sa iyo. Papangyayarihin ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa iyo.
2 Dapat ay mayroon ka ng ganitong uri ng pang-unawa sa tuwing may nagaganap: Anuman ang mangyari, bahaging lahat ito ng pagkakamit ko sa aking mihiin, at ito ay kagagawan ng Diyos. May kahinaan ako, ngunit hindi ako magiging negatibo. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagmamahal na ipinagkakaloob Niya sa akin at sa pagsasaayos ng gayong kapaligiran para sa akin. Hindi ko dapat talikdan ang aking hangarin at paninindigan; ang pagsuko ay katumbas ng pakikipagkompromiso kay Satanas, katumbas ng pagwasak sa sarili, at katumbas ng pagtatatwa sa Diyos. Ito ang uri ng takbo ng pag-iisip na dapat mong taglayin. Anuman ang sabihin ng iba o paano man sila kumikilos, at paano ka man pinakikitunguhan ng Diyos, ang iyong determinasyon ay hindi dapat manghina.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya