550 Dapat Ninyong Hangarin na Maging Isang Nakaligtas

1 Ituturo Ko sa inyo ang isang landas—isang landas na nakatitiyak kayong magkakaroon kayong lahat ng daan pasulong: Iyon ay, ang hangarin na makaligtas. Huwag ninyong alalahanin kung ano ang magiging posisyon o katayuan ninyo sa hinaharap; alalahanin mo lamang kung ano ang dapat mong gawin habang hinahangad mong makaligtas. Ito ay isang bagay na dapat hangarin ng mga tao; ito ay nararapat at hindi isang maluhong kagustuhan, sapagkat ang mga taong nakaliligtas ay tiyak na magiging mabubuting tao. Sila ay tiyak na magiging mabubuting saksi para sa Diyos, at tiyak na magbibigay-lugod sa kalooban Niya. Ang hangaring makaligtas, samakatuwid, ay hindi isang maluhong kahilingan; bagkus, ito ay isang bagay na dapat pagsikapan ng lahat. Ito ay tunay na naaayon sa gawaing pagliligtas ng Diyos.

2 Dapat kayong gumawa ng pinakasimpleng posibleng plano upang makaligtas patungo sa hinaharap, maaaring bilang isang manggagawa, bilang isa sa mga hinirang na tao ng Diyos, bilang isa sa mga anak na lalaki ng Diyos, o bilang isang taong may mataas na katayuan. Ang kailangan mo lang pag-isipan ay kung anong dapat mong gawin upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos nang ikaw ay makaligtas, sapagkat umaasa ang Diyos na mas maraming tao ang makakaligtas. Hindi ba nito nagagawang simple ang inyong paghahangad? Dapat ninyo itong maunawaan: Ang isang wastong paghahangad ay hindi isang maluhong kahilingan. Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, hindi dapat magkaroon ang mga tao ng maluluhong kahilingan, kundi dapat silang magkaroon ng wastong mga paghahangad.

Hango sa Pagbabahagi ng Diyos

Sinundan: 549 Lahat ng Problema ay Malulutas sa Pagsisikap na Matamo ang Katotohanan

Sumunod: 551 Ang Paninindigang Kinakailangan sa Paghahanap ng Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito