552 Maliligtas Ka Kung ‘Di Mo Isusuko ang Katotohanan
I
‘Pag sa problema ng tao’y mali ang tingin,
kaalaman sa Diyos apektado rin.
Alam ng ilan na hindi sila mahusay,
o matindi kanilang pagsuway.
Suko na sila sa sarili nila,
ayaw magdusa para sa katotohanan.
Ayaw baguhin, disposisyon nila,
akala sila’y ganun pa rin.
Sabi Ko sa ‘yo:
Pagtingin sa problema’y itama mo,
upang pag-asa’y mapasaiyo.
Katotohana’y ‘wag mong isuko.
II
Nagbago na nga ang ilan,
ngunit ‘di man lang nila alam.
Nakatingin lang sila sa problema,
makipagtulungan sa Diyos, ayaw nila.
Sa normal na pagpasok, abala,
sa Diyos mas mali ang pag-unawa.
Higit pa ro’n, may epekto ‘yon
sa kanilang hantungan.
Sabi Ko sa ‘yo:
Pagtingin sa problema’y itama mo,
upang pag-asa’y mapasaiyo.
Katotohana’y ‘wag mong isuko.
III
Mahina man, ginagawa pa rin
ng naghahanap kanilang tungkulin.
Pagbabago’y kita Ko; tingnan mong mabuti,
may bahagi kang ‘di na tiwali.
‘Pag pinakamatayog pamantayan mo
sa pagsukat sa paglago,
‘di ka lang bigong maabot ang tayog na ‘yon,
itinatanggi mo rin pagbabagong nagawa mo—
‘yan ay mali ng tao.
Sabi Ko sa ‘yo:
Pagtingin sa problema’y itama mo,
upang pag-asa’y mapasaiyo.
Katotohana’y ‘wag mong isuko.
Kung tama’t mali’y masasabi mo,
suriin mga nagbago sa ‘yo.
‘Di lang ‘yon makikita mo,
kundi pati landas na susundan mo.
‘Pag nagsisikap ka nang husto,
may pag-asang maligtas ka.
Sabi Ko sa ‘yo:
Pagtingin sa problema’y itama mo,
upang pag-asa’y mapasaiyo.
Katotohana’y ‘wag mong isuko.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi