254 Pagtitika
Ⅰ
Mabubuting layon, ang payo ng mga huling araw
ay gumising sa tao sa mahimbing na pagtulog.
Masasakit na alaala, mga dungis na naiwan
ay nagpapahirap sa aking konsensya.
Sa pagkalito, ako’y nananalangin sa takot.
Kamay sa ibabaw ng puso, nagsisisi.
Kay-bait Mo, nguni’t nilinlang Kita ng huwad na pagmamahal.
Ang lihis kong kaluluwa ay hindi nakaalam ng pagsisisi.
Nabubuhay sa kasalanan, walang takot.
Walang pakialam anuman ang Iyong nararamdaman.
Ninanais lamang ang Iyong pagpapala.
Sa pagkabalisa at awa sa sarili,
patawad nguni’t hindi ako makatigil.
Ang panlilinlang sa sarili ay kay-hirap ikubli.
Ⅱ
Hindi batid na Ikaw ay tapat,
masidhing hinanap ang daan ko palabas.
Pagkatapos ng Iyong gawain, sino ang makapipigil sa Iyo?
Ang naiwan lamang ay mga buntong-hininga at pagsisisi.
Nabubuhay sa kasalanan, katiwalian.
Ang kasalanan ay namimintog sa aking puso.
Mga tapat na salita ay nagtatagal sa akin.
Napopoot ako paano ako naging marumi.
Walang hawak anuman, hinaharap ko ang Iyong mga salita.
Labis na nahihiyang makita Ka. O …