255 Pangungulila para sa Pag-ibig ng Diyos
1 Nang magising ako ng mga salita ng paghatol ng Diyos ko lamang napagtanto na sa pananampalataya, namumuhay ako sa gitna ng mga kuro-kuro. Sa aking paniniwala sa Diyos, humihingi lamang ako ng mga pagpapala, hindi pinapansin ang Kanyang mga salita. Pinagsisisihan ko ito. Maya’t mayang tinatabasan, winawasto at dinidisiplina, palagi akong nagkikimkim ng mga hinaing at pangangatwiran. Maya’t mayang sinusubok at pinipino, palagi kong sinusubukang tumakas at ilayo ang aking sarili mula sa Diyos. Kinamumuhian ko na lubha akong tiwali at nabigong mapantayan ang mga sakit na Kaniyang tinatamo. O, Diyos! Nagising ako ng Iyong mga salita ng paghatol at paghahayag mula sa panaginip.
2 Napakaraming oras ang aking nasayang; naniwala ako sa Diyos sa loob ng maraming taon ngunit nabigong maunawaan ang katotohanan. Sumilay ang nakaraan tagpo kada tagpo sa aking harapan; ang tanging ginawa ko ay lumaban at sumuway. Naniwala ako sa Diyos ngunit hindi sumailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at ngayon talagang huli na ang lahat para sa mga pagsisisi. Hindi nakapagtatakang ang aking disposisyon sa buhay ay hindi nagbago, at hindi ko magampanan nang maayos ang anumang tungkulin. Nakadarama ako ng matinding pagsisisi, at napakalaki ng utang ko sa Diyos; Inaasam ko ang Kanyang pag-ibig, mas lalong kinamumuhian ang aking sarili dahil sa aking pagiging walang puso. Nagbibigay ng buhay sa mga tao ang paghatol ng Diyos; natamasa ko ang Kanyang labis na pag-ibig, at hahanapin ko ang katotohanan at magkakamit ng buhay, tinutupad ang aking tungkulin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos.