253 Tanging Kahilingan Ko ay Masiyahan ang Diyos

Matagal na ‘kong naniniwala sa Diyos

nguni’t katotohana’y ‘di ko naitaguyod.

Pinupuno nito ng pagsisisi ang puso ko.

Maraming ulit, nawalan ako ng tsansang maperpekto,

nasaktan ko na ang Diyos dahil dito.

Muli’t muli S’yang nagpakita ng kaluwaga’t awa.

Binigyan N’ya ako ng pagkakataong magsisi.

Paghatol, pagtutuwid at disiplina—

dahil dito’y nakaramdam ang puso kong manhid.

Sa pag-unawa sa katotohanan,

nararanasan ko ang pag-ibig ng Diyos at nabubuhay sa Kanya.

Kagandahang-loob N’ya’y dakila,

ngunit wala pa akong naibigay sa Kanya.

Hiyang-hiya akong harapin S’ya dahil ‘di ko Siya minahal.

Itaguyod ang katotohanan at isilang na muli,

pag-ibig ng Diyos sinusuklian, ito ang aking totoong nais,

ito ang aking totoong nais.


Isinasapuso ko, mga payo ng Diyos,

upang tuparin ang misyong naibigay N’ya sa ‘kin.

Katotohana’y isinasagawa ko’t tungkuli’y tinutupad

upang masiyahan ang puso Nya bawat araw.

Sa Kanyang banal na plano’t soberanya,

hinaharap ko ang mga pagsubok sa ‘kin.

Paano ako susuko o magtatago?

Ang una’y kaluwalhatian ng Diyos.

Paghatol, pagtutuwid at disiplina—

dahil dito’y nakaramdam ang puso kong manhid.

Sa mga panahon ng kahirapan,

salita ng Diyos gabay ko’t pananalig ko’y piniperpekto.

Lubos at ganap akong nakalaan,

nakalaan sa Diyos na walang takot sa kamatayan.

Laging higit sa lahat, ang Kanyang kalooban.


Nangangakong pag-ibig ng Diyos suklian.

Sa puso ko, pinupuri ko Siyang walang-humpay.

Nakita ko na ang Araw ng katuwiran,

lahat ng nasa lupa, saklaw ng katotohanan.

Matuwid ang disposisyon ng Diyos

(karapat-dapat purihin ng sangkatauhan).

Iibigin ko Makapangyarihang Diyos magpakailanman,

at itataas ko ang Kanyang pangalan.

Hinaharap ko’y ‘di alintana, magkaro’n man o mawalan,

Nais ko lang na ang Diyos ay masiyahan.

Taglay ko ang matibay na patotoo,

hinihiya si Satanas sa kal’walhatian ng Diyos.

Sinundan: 252 Nais Kong Ihandog ang Aking Katapatan sa Diyos

Sumunod: 254 Pagtitika

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito