650 Dapat Mong Mapagtanto ang Kahulugan ng Iyong Kasalukuyang Pagdurusa
1 Sa mga panahong ito, karamihan sa mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi pa nakapasok sa tamang landas at hindi pa nauunawaan ang katotohanan, kaya nararamdaman pa rin nila ang kahungkagan ng kalooban, at nararamdaman ang pagdurusa sa buhay, at wala silang lakas upang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ganito ang mga nananalig sa Diyos bago sila magkaroon ng pananaw sa kanilang puso. Hindi pa nakakamtan ng gayong mga tao ang katotohanan at hindi pa nakikilala ang Diyos, kaya hindi pa sila nakadarama ng malaking kagalakan ng kalooban. Kayo, lalo na, ay nagdanas nang lahat ng pag-uusig at paghihirap sa pag-uwi; nagdurusa kayo, at naiisip din ninyong mamatay at ayaw na ninyong mabuhay. Ang mga ito ay mga kahinaan ng laman. Iniisip pa ng ilang tao: Ang paniniwala sa Diyos ay dapat na kasiya-siya, subalit ang paniniwala sa Diyos ngayon ay lubhang nakayayamot.
2 Ang tanging nalalaman mo ay mas mabuti ang kaligayahan ng laman kaysa sa anumang bagay. Hindi mo alam kung ano ang ginagawa ng Diyos ngayon. Kailangang tulutan ng Diyos na magdusa ang inyong laman para magbago ang inyong disposisyon. Kahit nagdurusa ang inyong laman, nasa inyo ang salita at pagpapala ng Diyos. Hindi ka maaaring mamatay kahit gusto mo: Papayag ka bang hindi makilala ang Diyos at hindi matamo ang katotohanan? Ngayon, pangunahin na iyon ay dahil hindi pa nakakamtan ng mga tao ang katotohanan, at wala silang buhay. Ngayon ang mga tao ay nasa gitna ng proseso ng paghahanap sa kaligtasan, kaya’t kailangan nilang magdusa nang kaunti sa panahong ito.
3 Ngayon, bawat isa sa buong mundo ay sinusubok: nagdurusa pa rin ang Diyos—tama bang hindi kayo magdusa? Kung walang pagpipino sa pamamagitan ng malalaking sakuna ay hindi magkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ang katotohanan ay hindi makakamtan. Ang hindi pagkakaroon ng mga pagsubok at pagpipino ay hindi maaari. Si Pedro sa huli ay sinubok nang pitong taon. Dumanas siya ng daan-daang pagsubok sa buong pitong taong iyon; saka lang siya nagkamit ng buhay at nakaranas ng pagbabago sa kanyang disposisyon. Samakatuwid, kapag tunay mong nakamit ang katotohanan at nakilala ang Diyos, mararamdaman mong dapat kang nabubuhay para sa Diyos. Kung hindi ka nabubuhay para sa Diyos, magsisisi ka; isasabuhay mo ang natitira mong mga araw nang may mapait na panghihinayang at malaking pagsisisi.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao