649 Hindi Mo Maaaring Biguin ang Kalooban ng Diyos
Ⅰ
Nagagawa mong tanggapin hatol ng salita ng Diyos,
pati na rin ang pagpipino at mga tagubilin ng Diyos—
itinalaga ito ng Diyos sa simula pa ng panahon.
Kaya’t ‘wag mabagabag kapag ika’y kinakastigo.
Walang makakaagaw sa gawaing ginawa sa inyo,
ni biyayang kaloob sa inyo.
Walang makakaagaw sa binigay sa inyo.
Mga tao ng relihiyon ay ‘di maihahambing sa inyo.
Kayo’y ‘di dalubhasa sa Bibliya,
ni wala kayong relihiyosong teorya;
ngunit sa gawain ng Diyos nakamit niyo’y higit sa iba.
Ito’ng inyong pinakamalaking biyaya.
Ⅱ
Dapat kayong maging mas dedikado,
at mas maging matapat sa Diyos.
Tinataas ka ng Diyos, kaya ay mas magsikap,
maghandang tanggapin ang tagubilin ng Diyos.
Tumindig sa lugar na binigay ng Diyos sa’yo,
sikaping maging isang bayan ng Diyos,
tanggapin ang pagsasanay nang makamit ng Diyos,
at maging isang patotoo para sa Diyos.
Kung taglay mo’ng gayong paninindigan,
ika’y siguradong makakamit ng Diyos,
ito naman ay tiyak na gagawin kang
maluwalhating patotoo ng Diyos.
Ang pinakamahalagang tagubilin
ay dapat kang makamit ng Diyos,
ika’y maging maluwalhating patotoo ng Diyos.
Tunay ngang ito ang kalooban ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak