651 Ang Pagdurusa sa Paghihirap na Ito ay May Malalim na Kabuluhan
1 May pag-asam na nakalagak sa loob ng mga puso ng mga yaong naniniwala sa Diyos, ang pag-asam na ang araw ng Diyos ay malapit nang dumating upang ang kanilang paghihirap ay magwakas na; ang pag-asam na magbabagong-anyo ang Diyos at na ang lahat ng kanilang pagdurusa ay magwawakas na. Umiiral ang mga saloobing ito sa kaibuturan ng puso nilang lahat sapagkat ang laman ng tao ay hindi nakahandang magdusa, at sa halip ay inaasam ang mas mabuting kalagayan kapag dumaranas ito ng pagdurusa. Hindi mabubunyag ang mga bagay na ito kung wala ang mga tamang kondisyon. Habang hindi pa tama ang mga kondisyon, ang bawat isa ay tila ba napakaayos sa kanilang pananampalataya sa Diyos, mukhang mayroong mabuting tayog, tila nauunawaan nang maigi ang katotohanan, at tila punung-puno ng sigla. Isang araw, kapag nangyari na ang mga kondisyon, ang lahat ng kaisipang ito ay mabubunyag; ang kanilang isip ay magsisimulang maguluhan, at ang ilan ay magsisimulang dumausdos pababa.
2 Hindi sa hindi nagbubukas ang Diyos ng isang daang palabas para sa iyo, o hindi ibinibigay sa iyo ng Diyos ang Kanyang biyaya; at tiyak na hindi sa ang Diyos ay walang pagsasaalang-alang sa iyong mga paghihirap. Ang gayong pagbabata ng sakit ngayon ay isang pagpapala, sapagkat dapat mong matagalan ang gayong pagdurusa upang maligtas at makaraos; bukod pa riyan, ito ay itinadhana ng Diyos. Kaya para sumapit sa iyo ang pagdurusang ito ay pagpapala sa iyo. Huwag mong isipin na ito ay isang simpleng bagay; hindi ito para lamang paglaruan ang mga tao at papagdusahin sila. Ang kahulugan sa likod nito ay napakalalim, at lubos na makabuluhan. Kung nasa tamang landas ka, at kung tama ang iyong hinahangad, sa bandang huli, ang makakamit mo ay magiging higit pa kaysa sa nakamit ng mga banal sa lahat ng kapanahunan, at ang mga pangako na iyong mamanahin ay lalo pang mas malaki.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, Pagpili ng Tamang Daan ang Pinakamahalaga