811 Ang Paghahangad ni Pedro ang Lubos na Nakaayon sa Kalooban ng Diyos
1 Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili.
2 Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok, subalit hindi nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya naunawaan ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawa ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos.
3 Si Pedro ay nagtuon lalo na sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan sa loob ng Kanyang mga salita. Sa alinmang mga aspeto dapat bigyang-kasiyahan ng tao ang Diyos upang makaayon sa kalooban ng Diyos, nagawang magsikap nang husto ni Pedro sa mga aspetong ito at nakamtan ang buong kalinawan; lubhang kapaki-pakinabang patungkol sa sarili niyang pagpasok. Anuman ang pinatungkulan ng Diyos, basta’t ang mga salitang iyon ay maaaring maging buhay at ang katotohanan, nakaya ni Pedro na iukit ang mga ito sa kanyang puso upang madalas na pagbulayan at pahalagahan ang mga ito. Matapos mapakinggan ang mga salita ni Jesus nakaya niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay espesyal na nakatuon sa mga salita ng Diyos. Sa huli, nakaya niyang malayang isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at mapahanay sa kalooban ng Diyos, kumilos nang lubusang naaayon sa intensiyon ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro