810 Palaging Itinaguyod ni Pedro ang Pagkilala sa Diyos
Ⅰ
Nang unang sundin ni Pedro si Jesus,
naniwala s’yang ‘sinugo S’ya ng Diyos.
Nakita niya si Jesus bilang apostol
nguni’t hindi bilang S’ya si Cristo.
Naranasan ni Pedro ang salita ng Diyos
at pinakitunguhan ang sarili;
kahit kinaya niya’ng paghihirap para sa Diyos,
‘di n’ya alam ang gawain ng Diyos.
Pagkatapos ng karanasan,
nakita n’ya kay Jesus ang gawa ng Diyos,
ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos
at nakita ang Diyos sa Kanya.
Nakita niya’ng mga salitang sinabi ni Jesus
‘di maaaring nanggaling sa tao;
nakita nya’ng mga ginawa ni Jesus
‘di kayang magawa ng tao.
Sa salita at gawa ni Jesus,
nakita ni Pedro ang karunungan ng Diyos.
Sa salita at gawa ni Jesus,
higit pang banal na gawa’ng makikita.
Ⅱ
Sa karanasa’y nalaman ni Pedro
mas higit kaysa sarili niya.
Pinanood niya ang bawat galaw ni Jesus
at natuklasan ang maraming bagay:
si Jesus ay maraming pahayag ng praktikal na Diyos;
si Jesus ay higit sa ordinaryong tao
sa Kanyang salita’t gawa, at kilos,
at sa pagpapastol Niya sa simbahan.
Maraming natutunan si Pedro kay Jesus.
Bago ipako sa krus si Jesus, nakilala niya si Jesus,
dahilan ng habang buhay n’yang katapatan.
Pinako si Pedro sa krus, nang nakabaligtad,
para sa Panginoon,
nagdusa s’ya para sa Panginoon.
Sa salita at gawa ni Jesus,
nakita ni Pedro ang karunungan ng Diyos.
Sa salita’t gawa ni Jesus,
higit pang banal na gawa’ng makikita.
Sa salita at gawa ni Jesus,
nakita ni Pedro ang karunungan ng Diyos.
Sa salita’t gawa ni Jesus,
higit pang banal na gawa’ng makikita.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos