165 Walang Nakababatid sa Pagparito ng Diyos
Walang nakababatid sa Kanyang pagparito,
walang pagsalubong sa Kanyang pagdating,
wala ring nakakaalam ng Kanyang gagawin.
Patuloy lang din ang buhay ng tao,
ang kanyang puso’y ‘di nagbabago.
I
Namumuhay ang Diyos sa gitna natin
katulad ng iba
karaniwang mananampalataya, tagasunod.
Siya’y may mga sariling layunin
at mga hangarin;
‘di tulad ng ordinaryong tao,
Siya’y may pagka-Diyos.
Walang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaibahan ng Kanyang diwa at ng sa tao.
Namumuhay tayong kasama Niya,
walang takot at malaya,
‘pagkat tingin natin sa Kanya’y
karaniwang mananampalataya.
Kanyang minamasdan ating kilos, isip, at ideya.
Walang nag-iisip ng ginagawa Niya
o ang Kanyang pag-iral,
o naghihinala ng kung sino Siya.
Tayo’y patuloy na naghahangad
nang walang malay.
Ngunit itong normal na tao,
nakatago sa gitna natin,
ay ang Siyang may bagong gawain
nang pagliligtas sa atin.
Nagbibigkas Siya nang mas madalas.
May awa’ng salita Niya,
ngunit kinatatakutan natin.
Mula sa tinig na banayad
hanggang maringal at malupit,
Siya’y nang-aaliw, nagpapayo, at nagdidisiplina.
Mga salita Niya’y naglalantad sa ‘ting mga lihim,
tagos sa ‘ting puso at may kirot sa ‘ting espiritu,
nag-iiwan ng sukdulang kahihiyan,
‘di natin malaman kung saan magtatago.
II
Lingid sa ‘ting kaalaman
na ang hamak na taong ito
ang nagdala sa ‘tin tungo sa gawain ng Diyos.
May pagsubok, pagwawasto,
sinusubok ng kamatayan.
Tinatamasa pag-ibig at awa Niya,
batid Kanyang pagka-matuwid;
kita ang pagkakaibig-ibig,
kapangyariha’t karunungan Niya,
minamasdan ang nais ng Diyos
na tiyaking mailigtas ang tao.
Sa mga salita ng taong ito, ating nauunawaan
ang disposisyon, kalooban, at diwa ng Diyos,
nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao,
nakikita ang landas tungo sa
kaligtasan at pagkaperpekto.
Mula nang sandaling ‘yon nagising ating isipan,
ating mga espiritu’y muling nabuhay:
Itong taong tinanggihan natin
na namumuhay kasama natin,
‘di ba’t ito ang Panginoong Jesucristo,
Siya’ng ating nasa isipan, tulog man o gising?
Siya ang ating Diyos, Siya ngang tunay!
Siya’ng katotohanan, ang daan, at ang buhay!
Isinilang tayong muli, mga puso’y nagkatahanan,
nakikita ang liwanag.
Kaharap ang Diyos,
sa harap muli ng Kanyang trono,
nakita natin ang Kanyang anyo
at ang daang hinaharap.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo