634 Protektado Ka Dahil Ikaw ay Nakastigo at Nahatulan
I
Ngayon, kinakastigo, hinahatulan, at isinusumpa kayo kaya nabibigyan kayo ng proteksyon. Nagdusa na kayo nang husto kaya kayo ay protektado. Kung hindi, matagal na sana kayong nasadlak sa kabulukan. Hindi ito sadyang pagpapahirap ng mga bagay para sa inyo—ang kalikasan ng tao ay mahirap baguhin, at kailangang magkaganito para mabago ang kanilang mga disposisyon. Ngayon, ni wala kayo ng kamalayan ni Pablo sa sarili. Palagi kayong kailangang kastiguhin at hatulan para magising ang inyong espiritu. Pagkastigo at paghatol ang pinakamabuti para sa inyong buhay. At kapag kinakailangan, dapat ay mayroon ding pagkastigo ng mga katotohanang dumarating sa inyo; saka lamang kayo lubos na magpapasakop.
II
Ang inyong kalikasan ay ganito na kung walang pagkastigo at pagsumpa, hindi ninyo gugustuhing yumuko, hindi gugustuhing magpasakop. Kung hindi ninyo nakikita ang mga katunayan, walang magiging epekto. Masyadong aba at walang halaga ang inyong pagkatao! Kung wala ang pagkastigo at paghatol, magiging mahirap kayong malupig, at mahirap daigin ang inyong kawalan ng katuwiran at pagsuway. Ang inyong dating likas na pagkatao ay nakaugat nang napakalalim. Kung inilagay kayo sa trono, hindi ninyo malalaman ang inyong lugar sa sansinukob, lalong wala kayong ideya kung saan kayo patungo. Ni hindi ninyo alam kung saan kayo nagmula, kaya paano ninyo makikilala ang Panginoon ng paglikha?
III
Kung wala ang napapanahong pagkastigo at mga pagsumpa sa ngayon, matagal na sanang dumating ang inyong huling araw. Huwag nang banggitin pa ang inyong kapalaran—hindi ba mas nalalapit iyon sa panganib? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at paghatol na ito, sino ang nakakaalam kung gaano katindi kayong yayabang, kung gaano kayo magiging kabuktot. Wala talaga kayong kakayahang kontrolin at pagnilayan ang inyong sarili. Nadala na kayo ng pagkastigo at paghatol na ito sa kasalukuyan, at naingatan ng mga ito ang inyong buhay. Hindi ba dapat mas paghusayan ninyo ang pagtanggap ng pagkastigo at paghatol sa ngayon? Ano pang ibang pagpipilian ang mayroon kayo?
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 6