633 Ang Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig
Ⅰ
Anong pagpapatotoo ang gagawin ng tao sa huli?
Sila ay sumasaksi na ang Diyos ay matuwid,
Siya ay poot, pagkastigo at paghatol.
Ang tao ay nagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos.
Ang Diyos ay gumagamit ng paghatol
para gawing perpekto ang tao.
Kanya nang minamahal at inililigtas ang tao.
Ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig?
Paghatol, kadakilaan, mga sumpa at poot.
Isinusumpa ka Niya, upang mahalin mo Siya,
at malaman ang diwa ng laman.
Kinakastigo ka N’ya upang magising ka
at malaman mong hindi ka karapat-dapat.
Kaya ang paghatol, kadakilaan at sumpa ng Diyos,
ang katuwiran na ipinapakita N’ya sa inyo,
ang lahat ng ginagawa Niya ay para gawin kayong perpekto.
Ito ang pag-ibig ng Diyos na matatagpuan sa inyo.
Ⅱ
Bagama’t isinumpa ng Diyos ang tao sa nakalipas,
hindi sila itinapon sa walang hanggang
hukay, o kaya’y pinatay,
ang kanilang pananampalataya ay napadalisay.
Ang layunin ng Diyos ay gawin silang perpekto.
Ang diwa ng laman ay si Satanas.
Nang sabihin ito ng Diyos, Siya ay tunay ngang tama.
At gayunma’y ang mga gawain na isinagawa ng Diyos
hindi naisagawa ayon sa sinabi ng Kanyang mga salita.
Isinusumpa ka Niya, upang mahalin mo Siya,
at malaman ang diwa ng laman.
Kinakastigo ka N’ya upang magising ka
at malaman mong hindi ka karapat-dapat.
Kaya ang paghatol, kadakilaan at sumpa ng Diyos,
ang katuwiran na ipinapakita Niya sa inyo,
ang lahat ng ginagawa Niya ay para gawin kayong perpekto.
Ito ang pag-ibig ng Diyos na matatagpuan sa inyo.
Kaya ang paghatol, kamahalan at pagsumpa ng Diyos,
ang katuwiran na ipinapakita Niya sa inyo,
ang lahat ng ginagawa N’ya ay para gawin kayong perpekto.
Ito ang pag-ibig ng Diyos na natagpuan sa inyo.
Ito ang pag-ibig ng Diyos na natagpuan sa inyo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos