506 Mas Isagawa ang Katotohanan, Mas Pagpapalain ng Diyos
Pinagpapala ng Diyos ang mga taong may pangitain,
may katotohanan at may kaalaman,
at tunay na mahal Siya.
Ⅰ
Upang mamasdan ang pag-ibig ng Diyos,
isagawa’ng katotohanan sa tunay na buhay,
magtiis sa sakit at talikuran ang iniibig
nang Diyos ay malugod at magalak.
Sa kabila ng luhang iyong iniiyak,
palugurin pa rin ang puso ng Diyos.
Pagpapalain ka’t sakit na ‘yong dinadala’y
ihahatid gawain ng Banal na Espiritu.
Sa tunay na buhay, sa pagdanas ng
mga salita ng Diyos, makikita ng tao,
makikita nila ang kagandahan ng Diyos.
At sa paglasap lamang ng Kanyang
pagmamahal nila Siya mamahalin.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang pagpapalain ng Diyos.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang magtataglay nito.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos.
Ⅱ
Kung laging ganito’ng pagsasagawa mo,
unti-unti mong makikita pag-ibig Niya sa’yo.
Makikilala mo’ng Diyos tulad ni Pedro,
na ‘di lang Siya may karunungang
lumikha ng mga langit at lupa’t
lahat ng bagay ngunit higit pa rito,
Siya rin ay may karunungan na
gawin ang tunay na gawain sa mga tao.
Sinabi ni Pedro, karapat-dapat ang Diyos
sa pag-ibig ng tao dahil Siya ang gumawa
ng langit at lupa at lahat ng bagay na nalikha.
Ngunit higit pa rito, nilikha Niya ang taong
kaya Niyang iligtas at gawing perpekto,
ipinapamana Niya’ng pag-ibig Niya sa tao.
Napakaraming kaibig-ibig sa Kanya.
Sa tunay na buhay, sa pagdanas ng
mga salita ng Diyos, makikita ng tao,
makikita nila ang kagandahan ng Diyos.
At sa paglasap lamang ng Kanyang
pagmamahal nila Siya mamahalin.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang pagpapalain ng Diyos.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang magtataglay nito.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang pagpapalain ng Diyos.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang magtataglay nito.
Lalo mong isagawa’ng katotohanan,
lalo kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag