507 Sa Pagsasabuhay Lang ng Realidad Makasasaksi Ka
Ⅰ
Ang mga taong may katotohanan ay yaong,
sa karanasan, ay naninindigan sa patotoo,
matatag sa kanilang posisyon, sa panig ng Diyos,
di kailanman umuurong,
sumusunod sa Diyos hanggang kamatayan,
may karaniwang relasyon
sa mga nagmamahal sa Diyos.
Ang iyong pagsasagawa at mga pagpapahayag
sa tunay na buhay ay patotoo ng Diyos,
kung ano ang dapat isabuhay ng tao.
Talagang tinatamasa nito pag-ibig ng Diyos.
Kapag ito’y naabot mo,
ang angkop na resulta ay makakamit.
Ⅱ
Ikaw ay nagtataglay ng tunay na pagsasabuhay,
bawat kilos ay hinahangaan ng iba.
Ang iyong anyo ay payak,
ngunit may kabanalan ang iyong pamumuhay.
Kapag ibinabahagi mo ang mga salita ng Diyos,
ikaw ay nililiwanagan Niya.
Ang iyong pagsasagawa at mga pagpapahayag
sa tunay na buhay ay patotoo ng Diyos,
kung ano ang dapat isabuhay ng tao.
Talagang tinatamasa nito pag-ibig ng Diyos.
Kapag ito’y naabot mo,
ang angkop na resulta ay makakamit.
Ⅲ
Nabibigkas mo ang kalooban
ng Diyos sa iyong mga salita,
nagsasalita ng realidad,
maalam sa serbisyo sa espiritu.
Ikaw ay matapat manalita, disente at matuwid,
hindi magulo, sumusunod sa mga plano ng Diyos,
naninindigan sa iyong patotoo.
Kapag may nangyayari sa iyo,
ikaw ay kalmado at mahinahon.
Ito ang uri ng nilalang na
nakakita na sa pag-ibig ng Diyos.
Ang iyong pagsasagawa at mga pagpapahayag
sa tunay na buhay ay patotoo ng Diyos,
kung ano ang dapat isabuhay ng tao.
Talagang tinatamasa nito pag-ibig ng Diyos.
Kapag ito’y naabot mo,
ang angkop na resulta ay makakamit.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag