266 Ang Pagmamahal ni Pedro sa Diyos

I

O Diyos!

Ika’y aalalahanin ko, kahit kailan, kahit saan.

At kahit kailan, kahit saan, nais Kang ibigin,

ngunit tayog ko’y sadyang kay liit,

ako’y mahina’t pag-ibig ko’y may hangganan,

katapatan ko sa Iyo’y kakarampot.

Kumpara sa pag-ibig Mo,

ako’y ‘di nararapat mabuhay.

Hiling ko lang na buhay ko’y may kabuluhan,

na ‘di ko lamang masuklian ang Iyong pag-ibig,

kundi, mailaan ko sa Iyo lahat nang mayro’n ako.


Kung Ika’y mabibigyang-kasiyahan ko,

‘di na hihiling ng higit pa’t

ako’y magiging payapa.

Bagama’t ngayon ako’y mahina’t walang lakas,

‘di ko lilimutin ang Iyong pag-ibig o mga payo.


II

O Diyos!

Batid Mo’ng tayog ko’y kay liit,

pag-ibig ko’y mumunti.

Pa’no gagawin lahat ng makakaya

sa sitwasyong ‘to?

Bigyan Mo ako ng lakas at tiwala,

para taglayin ko

ang dalisay na pag-ibig

at ilaan Sa Iyo lahat ng mayro’n ako;

‘di ko lang masusuklian ang pag-ibig Mo,

kundi mas kakayanin kong danasin

lahat ng Iyong pagkastigo,

mga pagsubok at paghatol,

at lahat ng Iyong mga sumpa

gaano man ‘to katindi.


Kilala Kita dahil sa Iyong paghatol,

pagkastigo’t pag-ibig,

ngunit ramdam kong ako’y walang kakayahang

tuparin ang pag-ibig Mo, dahil kay dakila Mo.

Pa’no maibibigay lahat

ng mayro’n ako sa Lumikha?


III

O Diyos!

Tao’y may tayog ng isang musmos,

konsensya niya’y mahina,

at tanging magagawa ko lamang

ay suklian ang pag-ibig Mo.

‘Di alam kung pa’no tutugunan

ang Iyong mga hangarin, hangad ko lang

na magawa’ng aking makakaya’t

maibigay sa Iyo lahat ng mayro’n ako.

Anuman ang Iyong paghatol at pagkastigo,

anuman ang Iyong igawad sa akin,

sa kabila ng maaari Mong alisin,

nawa’y palayain Mo ako

sa kahit katiting na hinaing.


Malimit akong dumaraing

sa Iyong pagkastigo’t paghatol sa ‘kin

‘di ko natupad Iyong mga kahilingan

ni nakamit ang pagiging dalisay.

Pilit lang ang aking naging tugon

sa Iyong pag-ibig,

at sa sandaling ito ako’y higit pang

namumuhi sa aking sarili.


IV

‘Di ako dapat makuntento

na suklian ang pag-ibig Mo

gamit ang konsensya at gantihan ang pag-ibig.

Ito’y dahil ang isip ko’y lubhang tiwali,

at ‘di Kita makita bilang ang Lumikha.

Dahil ‘di pa rin ako karapat-dapat

na umibig sa Iyo,

dapat kong makamit ang kakayahang

maglaan ng lahat ng mayro’n ako sa Iyo,

na gagawin ko nang maluwag sa kalooban.


Dapat malaman ko lahat ng Iyong nagawa,

at walang pagpipilian,

dapat mamasdan ang Iyong pag-ibig,

at makapagbigay-papuri,

purihin ang ‘Yong banal na pangalan

para mabigyan Ka ng kaluwalhatian.

Ako’y handang manindigan

para sa Iyo sa patotoong ito.

Sinundan: 265 Gugugulin Ko ang Buhay Ko Ayon sa Paghatol at Pagkastigo ng Diyos

Sumunod: 267 Mas Pinadalisay ng Paghatol ng Diyos ang Puso Kong May Pagmamahal para sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito