265 Gugugulin Ko ang Buhay Ko Ayon sa Paghatol at Pagkastigo ng Diyos
1 O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay ubod nang inam at halaga; paano nga ba ako magnanais na mamuhay sa kasamaan? Hindi ba ako ay Iyong ginawa? Paanong mabubuhay ako sa ilalim ng sakop ni Satanas? Pipiliin ko na ang aking buong katauhan ay mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo. Hindi ako payag na mamuhay sa ilalim ng sakop ng kasamaan. Kung ako ay madadalisay, at mailalaan ang aking lahat-lahat sa Iyo, kusa kong ilalaan ang aking katawan at pag-iisip sa Iyong paghatol at pagkastigo, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mamuhay sa ilalim ng sakop nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinakikita Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ako ay natutuwa, at hindi dumaraing kahit katiting. Kung aking magagawa ang tungkulin ng isang nilalang, handa ako na ang aking buong buhay ay samahan ng Iyong paghatol, kung saan sa pamamagitan nito ay malalaman ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at itatakwil sa sarili ko ang impluwensya ng kasamaan.
2 Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ang kahirapang mararanasan, hindi pa rin ako mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi pa rin ako payag magdusa sa mga panlilinlang ni Satanas. Nalulugod ako sa pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at namimighati sa pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Iniibig Kita sa pamamagitan ng pamumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at nagbibigay ito sa akin ng malaking kasiyahan. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay matuwid at banal; ito ay upang linisin ako, at higit pa ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol upang mapasailalim ako sa Iyong pangangalaga. Hindi ako payag na mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng sakop ni Satanas; gusto kong malinis Mo ako; kahit na ako ay makaranas ng mga paghihirap, hindi ako payag na magamit at malinlang ni Satanas.
3 Ako, ang nilalang na ito, ay dapat na magamit Mo, maangkin Mo, mahatulan Mo, at makastigo Mo. Dapat Mo nga rin akong sumpain. Ang aking puso ay nagsasaya kapag nalulugod Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pag-ibig. Ikaw ay ang Lumikha, at ako ay isang nilalang: Hindi Kita dapat ipagkanulo at mamuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, ni dapat man akong magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo o baka, sa halip na mabuhay para kay Satanas. Mas mamarapatin kong mabuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, walang kaligayahang pisikal, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagaman ang Iyong biyaya ay wala sa akin, nagsasaya ako na Iyong makastigo at mahatulan; ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya.