813 Ang Kaalaman ni Pedro Tungkol kay Jesus
1 Sinundan ni Pedro si Jesus nang ilang taon at maraming nakita sa Kanya na wala sa ibang tao. Sa buhay, sinukat ni Pedro ang kanyang sarili ayon sa lahat ng ginawa ni Jesus. Higit sa lahat, ang mga mensaheng ipinangaral ni Jesus ay nakaukit sa kanyang puso. Lubos siyang naging dedikado at tapat kay Jesus, at hindi siya kailanman nagsabi ng anumang mga hinaing laban sa Kanya. Dahil doon, naging tapat na kasama siya ni Jesus saanman Siya nagpunta. Inobserbahan ni Pedro ang mga turo ni Jesus, ang mahinahon Niyang mga salita, kung ano ang kinakain Niya, ang Kanyang pananamit, ang Kanyang tirahan, at kung paano Siya maglakbay. Tinularan niya si Jesus sa lahat ng aspeto. Hindi siya kailanman naging mapagmagaling, kundi iwinaksi niya ang lahat ng lipas na, na sinusunod ang halimbawa ni Jesus kapwa sa salita at gawa.
2 Noon nadama ni Pedro na ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat at na, dahil dito, wala siyang pansariling pasiya. Natutuhan din ni Pedro ang lahat ng tungkol kay Jesus at ginamit iyon bilang halimbawa. Ipinapakita ng buhay ni Jesus na hindi Siya mapagmagaling sa Kanyang ginagawa; sa halip na ipagmalaki ang Kanyang sarili, pinukaw Niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagmamahal. Ipinakita ng iba’t-ibang bagay kung ano si Jesus, at dahil dito, tinularan ni Pedro ang lahat ng tungkol sa Kanya. Dahil sa kanyang mga karanasan, nagkaroon si Pedro ng nag-iibayong pagkaunawa sa pagiging kaibig-ibig ni Jesus.
3 Sinabi niya ang mga bagay na tulad ng, “Hinanap ko ang Makapangyarihan sa lahat sa buong sansinukob, at namalas ko ang mga kababalaghan ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at sa gayon ay nagkaroon ako ng malalim na pagkaunawa sa pagiging kaibig-ibig ng Makapangyarihan sa lahat. Gayunman, hindi ako nagkaroon kailanman ng tunay na pagmamahal sa aking sariling puso, at hindi pa kailanman nakita ng sarili kong mga mata ang pagiging kaibig-ibig ng Makapangyarihan sa lahat. Ngayon, sa paningin ng Makapangyarihan sa lahat, ako ay kinaluguran Niya, at sa wakas ay nadama ko na ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Sa wakas ay natuklasan ko na hindi minamahal ng sangkatauhan ang Diyos dahil lang nilikha Niya ang lahat ng bagay; sa aking pang-araw-araw na buhay, natagpuan ko ang Kanyang walang-hanggang pagiging kaibig-ibig. Paano iyon magiging limitado sa kung ano ang nakikita ngayon?”
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Tungkol sa Buhay ni Pedro