814 Alam Mo Ba ang Iyong Misyon?

Alam mo ba ang pasanin,

ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat?

Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?

Paano ka magiging isang mabuting panginoon

sa susunod na kapanahunan?

Matatag ba ang ‘yong diwa ng pagka-puno?

Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?

Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,

o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?

Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?

Gaano karami ang naghihintay

sa iyo na iyong papastulan?

Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?


Itong mga kaawa-awang kaluluwa’y

kahabag-habag, bulag at lubhang nawala,

tumatangis sa dilim, naghihintay makalabas.

Paano nila ninanais na makamtan ang liwanag

katulad ng isang bulalakaw

at buwagin ang puwersa ng dilim

na nang-aapi sa kanila nang maraming taon.

Ang kanilang pananabik sa araw at gabi,

sino ang kailanman nakakaalam?

Kapag ang ilaw ay kumikislap,

ang mga hamak na nagdurusang ito ay

nananatiling nakabilanggo sa kadiliman,

na walang pag-asang lumaya.

Kailan sila titigil sa pagtangis?

Ang mga kaawa-awang kaluluwang ito’y

nagdurusa sa gayong kasawian.

Ang walang pusong mga lubid,

at ang nakapirming kasaysayan

ay matagal nang nagkukulong sa kanila.


Sino ang nakarinig ng kanilang pagtangis?

Sino ang nakakita ng kanilang paghihirap?

Ni minsan ba’y naisip mo rin ang Diyos?

Kung gaano Siya nagdadalamhati at nababahala?

Paano Niya nakakayanang makita

ang sangkatauhan na nagdurusa,

na Siya mismong lumikha?

Ang sangkatauhan ay ang mga kaawa-awang nalason.

At bagaman sila ay nakaligtas hanggang ngayon,

sila ay matagal nang nalason ni Satanas.

Nakalimutan mo ba na ikaw mismo ay biktima?

Di mo ba nais, para sa pag-ibig mo sa Diyos,

na iligtas yaong mga natitirang buhay,

upang masuklian ang Diyos sa iyong makakaya,

na minamahal ang tao tulad ng

sarili Niyang katawang-tao at dugo?

Paano mo naiintindihan

ang pagiging instrumento mo sa Diyos

upang mabuhay nang di-pangkaraniwan?

Mayroon ka bang tunay na pagnanais at kumpiyansa

upang mamuhay ng may kabuluhang kabanalan debosyon,

isang buhay na paglingkuran ang Diyos?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?

Sinundan: 813 Ang Kaalaman ni Pedro Tungkol kay Jesus

Sumunod: 815 Dapat Mong Maunawaan ang Kalooban ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito