528 Hindi Lamang Isinasagawa ng mga Tao ang mga Salita ng Diyos

1 Wala nang masabi ang Diyos, ngunit ang mga tao ay hindi pa rin makasunod, masyado na silang napag-iwanan, hindi nila kayang sumabay sa bawat hakbang, at hindi nila kayang sundan nang malapitan ang mga yapak ng Kordero. Kung ano ang dapat nilang sundin ay hindi nila sinunod; kung ano ang dapat nilang gawin ay hindi nila ginawa; kung ano ang dapat nilang ipanalangin ay hindi nila ipinanalangin; kung ano ang dapat nilang isantabi ay hindi nila isinantabi. Hindi nila ginawa ang alinman sa mga bagay na ito. Dahil dito, ang usapan tungkol sa pagdalo sa piging ay walang saysay; ito ay walang tunay na kahulugan, at bahagi lamang ng kanilang imahinasyon. Maaaring sabihin na kung titingnan sa kasalukuyan, hindi naman binitawan ng mga tao ang kanilang tungkulin. Ang lahat ay nakasalalay sa paggawa at pagsasalita ng Diyos Mismo. Ang ginagampanan ng tao ay lubhang maliit; ang mga tao ay walang kabuluhang basura na walang kakayahang makipagtulungan sa Diyos.

2 Ang Diyos ay nagsabi ng daan-daang libong mga salita, ngunit hindi isinagawa ng mga tao ang anuman sa mga ito—maging ito man ay pagtalikod sa laman, pagbasura sa mga kuru-kuro, pagsasagawa ng pagsunod sa Diyos sa lahat ng bagay habang nagkakaroon ng kakayahang kumilala at magkaroon ng kaalaman, hindi pagbibigay sa mga tao ng puwang sa kanilang puso, pag-aalis sa mga diyos-diyosan sa kanilang puso, paghihimagsik laban sa kanilang mga maling intensiyon, hindi pagkilos batay sa kanilang mga damdamin, paggawa sa mga bagay nang patas at walang kinikilingan, higit na pag-iisip tungkol sa mga interes ng Diyos at sa kanilang impluwensiya sa iba sa tuwing sila ay nagsasalita, paggawa ng mas maraming bagay para sa kapakanan ng gawain ng Diyos, pagsasaisip ng kapakanan ng tahanan ng Diyos sa lahat ng kanilang ginagawa, hindi pagpapahintulot sa kanilang mga damdamin na pamunuan ang kanilang pag-uugali, pagbabasura sa anumang nagugustuhan ng kanilang laman, pagwawaksi sa mga luma at makasariling mga kuru-kuro, at iba pa.

3 Nauunawaan naman nila ang ilan sa lahat ng hinihingi ng Diyos sa tao, ngunit hindi lamang nila gustong isagawa ang mga ito. Ano pa ang magagawa ng Diyos at paano pa Niya sila mapapakilos? Paano nagagawa ng mga anak ng rebelyon sa mga mata ng Diyos na magkaroon pa rin ng lakas ng loob na makinig sa mga salita ng Diyos at hangaan ang mga ito? Paano sila nagkakaroon ng lakas ng loob na kainin ang pagkain ng Diyos? Nasaan ang konsensya ng mga tao? Hindi pa nila natutupad kahit man lamang ang pinakamababa sa mga tungkulin na dapat nilang tuparin, wala pa rito ang paggawa ng lahat ng kanilang makakaya. Hindi ba’t sila ay nabubuhay sa isang ilusyon? Walang magiging pag-uusap tungkol sa realidad kung walang pagsasagawa. Ito ay isang katotohanan na kasing linaw ng araw!

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad

Sinundan: 527 Ang Totoong Kahulugan ng mga Salita ng Diyos ay Hindi Kailanman Nauunawaan

Sumunod: 529 Huwag Ninyong Palayawin ang Inyong Sarili Dahil ang Diyos ay Mapagparaya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito