529 Huwag Ninyong Palayawin ang Inyong Sarili Dahil ang Diyos ay Mapagparaya

1 Kahit kakaunting tao ang nakakakilala sa Akin, hindi Ko ibubuhos ang Aking poot sa sangkatauhan, sapagkat maraming pagkukulang ang mga tao, at mahirap para sa kanila na marating ang antas na hinihiling Ko sa kanila. Kaya, naging mapagparaya Ako sa tao sa loob ng libu-libong taon, hanggang sa ngayon, subalit umaasa Ako na hindi kayo magpapabaya sa inyong sarili nang dahil sa Aking pagpaparaya. Sa pamamagitan ni Pedro, dapat ninyo Akong makilala at hanapin; mula sa lahat ng kanyang pakikipagsapalaran, dapat kayong maliwanagan nang higit kaysa rati, at sa gayon ay makarating kayo sa mga dakong hindi pa narating ng tao kailanman.

2 Sa buong kosmos at sa kalangitan, sa lahat ng bagay sa langit at sa lupa, lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa at sa langit ay ginagawa ang lahat para sa huling yugto ng Aking gawain. Sigurado kayang ayaw ninyong manatiling mga manonood lamang, na inuutus-utusan ng mga puwersa ni Satanas? Palaging nariyan si Satanas na nilalamon ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa puso ng mga tao, na nagngangalit ang mga ngipin at nakaamba ang mga kuko sa huling yugto ng paghihingalo nito. Nais ba ninyong mapahamak sa mga tusong pakana nito sa pagkakataong ito? Nais ba ninyong sirain ang inyong buong buhay kapag natapos na sa huli ang Aking gawain? Hinihintay ba ninyo na ipakita Kong muli ang Aking pagpaparaya? Ang paghahangad ng kaalaman tungkol sa Akin ang mahalaga, ngunit ang pagtutuon sa pagsasagawa ay kailangang-kailangan. Tuwirang inihayag sa inyo ang Aking mga salita, at umaasa Ako na masusunod ninyo ang Aking patnubay, at hindi na kayo magkakaroon ng mga plano at ambisyon para sa inyong sarili.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 6

Sinundan: 528 Hindi Lamang Isinasagawa ng mga Tao ang mga Salita ng Diyos

Sumunod: 530 Ang Lubos na Kinamumuhian ng Diyos ay ang Pagkasuwail at Pagbalik sa Dating Ugali ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito