527 Ang Totoong Kahulugan ng mga Salita ng Diyos ay Hindi Kailanman Nauunawaan

Di alam ng mga tao kung paano matamasa

takdang pagpapala nila sa mga kamay ng Diyos,

dahil di nila alam ang paghihirap o pagpapala.

Kaya di sila tunay sa paghangad sa Diyos.

Kung walang bukas, sino sa inyo, pagtayo sa harap ng Diyos,

ang magiging kasing-puti ng pinaspas na niyebe,

tulad ng walang-dungis na lantay na jade.

Tiyak na ang pag-ibig n’yo sa Diyos ay hindi

maipagpapalit sa masarap na pagkain

o maipagpapalit sa magarang kasuotan

o sa mataas na katungkulan

na may kaakit-akit na kabayaran?

Maipagpapalit ba ito sa pagmamahal ng iba

o iiwan dahil sa mga pagsubok?

Tiyak na ang kapighatian ay di magdudulot

ng reklamo laban sa mga plano ng Diyos?


Walang taong tunay na nakauunawa

sa espadang nasa bibig ng Diyos.

Alam lang niya’y mababaw na kahulugan,

hindi alam ang malalim na kahulugan.

Kung tunay na nakita ng mga tao

ang tunay na talim ng espada ng Diyos,

magsisitakbo silang gaya ng mga daga,

pabalik sa kanilang lungga.

Sobrang manhid para malaman

ang katotohanan ng salita ng Diyos,

wala silang pahiwatig ng lakas ng mga ito,

gaano hinahatulan kasamaan nila,

o gaano nahahayag ang kanilang kalikasan.

Batay sa hilaw na palagay sa salita ng Diyos,

karamihan ay may saloobing maligamgam.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 15

Sinundan: 526 Sa Katotohanan Naroon ang Lakas

Sumunod: 528 Hindi Lamang Isinasagawa ng mga Tao ang mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito