Tanong 6: Lahat ng sinasabi n’yong ito ay mga kasalanan ni Pablo bago niya tinanggap ang tawag ng Panginoon. Pero matapos siyang liwanagan ng matinding liwanag, naglakbay siya sa lahat ng dako para ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon. Ni hindi natin alam kung ilang iglesia ang itinatag niya o kung ilang tao ang naakay niyang tanggapin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Napakarami niyang isinulat para suportahan ang matatapat. Ipinapakita niyan na talagang nagsisi si Pablo. Hindi n’yo masasabi na isa siyang kaaway ng Panginoong Jesus batay sa kanyang isinagawa bago siya bumaling sa Panginoon.

Sagot: Totoong ipinangaral ni Pablo ang ebanghelyo nang maraming taon at marami siyang isinulat matapos liwanagan ng matinding liwanag, pero hindi ibig sabihin ay talagang nagsisi siya. Wala siyang isinulat na nagpapahiwatig na talagang pinag-isipan at alam niya ang sarili niyang kasamaan: ang pagkalaban sa Panginoong Jesus at pagpapahirap sa Kanyang mga disipulo. Kinilala lang niya na siya ang pinakamatindi sa lahat ng makasalanan. Hindi niya inilarawan ang sarili niyang ugali at pagkatao, ni hindi niya sinabi kung ba’t niya kinalaban ang Panginoong Jesus, kung ano ang motibo niya. Dahil hindi niya binanggit ang mga bagay na ito sa sulat, hindi siya talaga nagsisi kahit kailan, ’di ba? Ba’t nasagot ni Pablo ang pagtawag ng Panginoong Jesus at pinaglingkuran Siya? Ang totoo, wala na siyang magagawa. Alam ni Pablo na kung hindi niya tinanggap ang pagtawag ng Panginoong Jesus, parurusahan siya at tiyak na mamamatay. Naipangaral niya ang ebanghelyo at medyo nagdusa dahil gusto niyang pagbayaran ang kanyang mga kasalanan. Pa’no tunay na makapagsisisi ang isang taong naghahangad lang na magbayad-sala? Bukod pa riyan, malinaw nating nakikita sa mga sulat ni Pablo na habang ipinapangaral ni Pablo ang ebanghelyo at ginagawa ang kanyang gawain, hindi niya dinakila o pinatotohanan ang Panginoong Jesus kahit kailan. Hindi siya pinatotohanan kailanman kung pa’no tinubos, tinustusan, at pinamunuan ng Panginoong Jesus ang mga tao. Talagang hindi niya pinatotohanan kailanman na ang Panginoong Jesus ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, na Siya ang pagpapakita ng Diyos, na nagkatawang-tao at gumagawa ng gawain ng Diyos. Hindi pinatotohanan ni Pablo kailanman ang kaibig-ibig na mga katangian ng Panginoong Jesus, ni hindi niya pinatotohanan kung pa’no dumanas ng sakit at pagkapahiya ang Panginoong Jesus para iligtas ang sangkatauhan. Hindi siya ipinangaral o pinatotohanan kailanman ang mga katotohanang minsang ipinahayag ng Panginoong Jesus o ang lahat ng sinabi Niya. Hindi niya hinikayat ang ibang nananalig na sundin ang mga salita ng Panginoong Jesus, Hindi niya sinabi sa kanila kailanman na kailangan nilang sumunod, maglingkod at magpatotoo sa Panginoon ayon sa mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Talagang hindi niya sinabi sa kanila kailanman ang diwa ng gawain ng Panginoong Jesus at ang totoong mga epekto nito, o kung pa’no dapat gawain ng mga tao ang kalooban ng Ama sa langit para makapasok sa kaharian ng langit. Sa halip, ipinaliwanag niya ang gawain ng Panginoong Jesus ayon sa kanyang mga ideya, at mali ang interpretasyon niya sa mga salita ng Panginoong Jesus. Marami siyang sinabi na talagang nakagambala at nakagulo sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Patunay ba ’yan na talagang nagsisi siya? Hindi inihatid ng gawain ni Pablo ang mga nananalig sa harapan ng Panginoong Jesus. Hind niya inakay ang mga tao na danasin ang mga salita ng Panginoong Jesus o alamin na ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, dinakila niya at pinatotohanan niya ang kanyang sarili. Dinala niya ang mga nananalig sa kanyang harapan at pinasamba sila sa kanya. Hindi ba ito rin ang ginawa ng mga Fariseo? Sapat na ang mga bagay na ito para patunayan na hindi talaga nagsisisi si Pablo kailanman.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan: Tanong 5: Pilit ang mga sakripisyo at pagdurusa ni Pablo. Inaamin din natin ’yan. Pero pag sinabi mong galit si Pablo sa katotohanan at kaaway siya ng Diyos, hindi ako sang-ayon diyan. Ano’ng batayan mo?

Sumunod: Tanong 7: Sabi mo, hindi dinakila o pinatotohanan ni Pablo ang Panginoong Jesus. Hindi ko tanggap ang sinasabi mo. Napakaraming isinulat ni Pablo. Hindi pa puro patotoo ang mga ’yon sa Panginoong Jesus?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito