856 Ang Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Isinawika
Ang sumusunod na talata
ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10–11:
“At sinabi ni Jehova,
‘Ikaw ay nanghinayang sa kikayon
na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man;
na sumampa sa isang gabi,
at nawala sa isang gabi:
At hindi baga Ako manghihinayang sa Ninive,
sa malaking bayang yaon,
na mahigit sa isang daan
at dalawampung libong katao
na hindi marunong makakilala
ng kanilang kanang kamay
at ng kanilang kaliwang kamay;
at marami ring hayop?'"
I
Ang awa’y maaaring mangahulugan
ng labis na pagmamahal at pagprotekta,
makaramdam ng paglalambing,
at walang kagustuhang makapanakit.
Ang Lumikha lang ang may awa sa sangkatauhan,
ang may walang katapusang pagmamahal,
ang makapagbibigay ng pagkahabag sa mga tao’t
makapagpapahalaga sa lahat Niyang nilikha.
II
Ang awa’y maaaring magpakita
ng magiliw na pagmamahal,
at ‘di pagnanais na sumuko.
Ang awa’y ang pagkahabag
at pagpaparaya ng Diyos sa tao.
Ibinubunyag nito ang saloobi’t puso ng Diyos.
Ang Lumikha lang ang may awa sa sangkatauhan,
ang may walang katapusang pagmamahal,
ang makapagbibigay ng pagkahabag sa mga tao’t
makapagpapahalaga sa lahat Niyang nilikha.
III
Ang mga tao sa Ninive’y kasing tiwali’t
dahas ng mga tao sa Sodoma,
ngunit dahil sa pagsisi nila’y
binago ng Diyos puso Niya.
Nagpasya Siyang ‘wag silang lipulin.
Tinanggap ng mga taga-Ninive
ang utos ng Diyos
nang may pagpapasakop
at pagsisisi sa mga kasalanan,
gayundin ang kanilang taos-pusong mga gawa.
Kaya’t naawa ang Diyos sa kanila.
IV
Walang makakatulad sa gantimpala, ni awa
ng Diyos sa sangkatauhan.
Walang makakataglay ng awa o pagpaparaya,
ni ng taos-pusong damdamin
ng Diyos sa sangkatauhan.
Ang Lumikha lang ang may awa sa sangkatauhan,
ang may walang katapusang pagmamahal,
ang makapagbibigay ng pagkahabag sa mga tao’t
makapagpapahalaga sa lahat Niyang nilikha.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II