46 Makapangyarihang Diyos Lamang ang Makapagliligtas sa Tao

Kayganda ng mga gawa

ng Makapangyarihang Diyos!

Pitong trumpeta, pitong kulog tumutunog,

pitong mangkok ang ibinubuhos Niya.

Ito’y makikita, wala ‘yang duda.


Ang naghahandog ng sarili ngayon

ay tiyak na lubos Niyang pagpapalain;

ang gustong iligtas ang sarili’y mamamatay.

Lahat ay nasa mga kamay ng Diyos.

H’wag nang tumigil sa paghakbang mo.

Lupa’t langit nagbabago nang husto.

Walang pagtataguan, tatangis ang tao;

wala silang ibang pagpipilian.

Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.

Malasin man tayo o pagpapalain,

depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.

Hindi tayo maaaring magdesisyon.


Gawain ng Banal na Espiritu’y sundan,

dapat malinaw sa loob ng sarili ng bawat tao,

di na kailangang paalalahanan

tungkol sa pag-unlad ng Kanyang gawain.

Dalasan mo ang pagharap sa Diyos,

at lahat-lahat sa Kanya’y hilingin.

At loob mo’y liliwanagan,

sa panganib poprotektahan ka Niya.

Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.

Malasin man tayo o pagpapalain,

depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.

Hindi tayo maaaring magdesisyon.


H’wag matakot! Hawak Niya buong pagkatao mo.

Sa proteksyon Niya, ano’ng ikakatakot?

Magtatagumpay na ang kalooban Niya.

Buksan espirituwal na mata, magbabago ang langit.

Bakit matatakot? Sa munting pagkilos ng kamay Niya,

lupa’t langit, kaya Niyang agad wasakin.

Kaya bakit ka pa mag-aalala?

Di ba lahat ng bagay nasa kamay Niya?

Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.

Malasin man tayo o pagpapalain,

depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.

Hindi tayo maaaring magdesisyon.


Lupa’t langit mababago sa utos Niya.

Magagawa tayong ganap sa utos Niya.

H’wag mabalisa, sumulong nang panatag,

sa kabilang dako, makinig, mag-ingat.

Mag-ingat agad, kalooban Niya’y nangyari na,

proyekto Niya’y tapos na, tagumpay plano Niya.

Lahat ng anak Niya’y nakarating na sa trono Niya,

hinuhusgahan mga bansa’t taong may Diyos.

Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.

Malasin man tayo o pagpapalain,

depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.

Hindi tayo maaaring magdesisyon.

Umuusig sa iglesia’t mga anak Niya

parurusahan nang matindi, tiyak ‘yan!

Yong may taos ang puso sa Kanya, naninindigan

mamahalin ng Diyos magpakailanman.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 42

Sinundan: 45 Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin

Sumunod: 47 Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang Walang-Hanggang Buhay na Nabuhay na Mag-uli

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito