45 Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin
Ⅰ
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya’y nasa lupa.
Sa langit, ang Diyos ang Tagapamahala
ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos
sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad
kasama ng sangkatauhan.
Sinong mangangahas labanan sa publiko
ang praktikal na Diyos Mismo?
Sinong mangangahas na lumabas
sa pamamahala ng Makapangyarihan?
Sinong mangangahas na magsabi
nang walang pagdududa
na ang Diyos ay nasa langit?
At sinong mangangahas na magsabing
ang Diyos ay siguradong nasa lupa?
Walang siguradong makapagsasabi kung
nasaan talaga Yang Diyos.
Walang siguradong makapagsasabi
kung nasaan ang Diyos.
Ⅱ
Kapag nasa langit, ang Diyos ba
ay isa lamang Isang hindi pangkaraniwan?
Kapag nasa lupa, ang Diyos ba
ay Isang praktikal lang?
Ang pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay,
o Kanyang paglasap sa paghihirap ng tao,
maaari ba nitong pagpasyahan
kung ang Diyos ay isang praktikal na Diyos?
Ang Diyos ay nasa langit, ngunit nasa lupa rin.
Kasama ng lahat ng bagay ang Diyos,
at kasama ng lahat ng tao.
Ang mga tao’y maaaring
makaugnay ang Diyos araw-araw,
at ang mga tao’y maaaring
makita ang Diyos araw-araw.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 15