47 Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang Walang-Hanggang Buhay na Nabuhay na Mag-uli

1 Nagbabago ang mga bundok at mga ilog, umaagos ang mga batis sa daanan ng mga ito, at hindi nagtatagal ang buhay ng tao gaya ng daigdig at himpapawid. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang walang-hanggang buhay at nabuhay na mag-uli, na nagpapatuloy sa pagdaan ng mga henerasyon, nang walang hanggan! Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay, at si Satanas ay nasa ilalim ng Kanyang paa. Ngayon, sa pamamagitan ng itinadhanang pagpili ng Diyos, na inililigtas Niya tayo mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Satanas. Talagang Siya ang ating Manunubos. Ang walang-hanggang muling pagkabuhay ni Cristo ay ginawa na sa loob natin, kaya natatadhana tayong maugnay sa buhay ng Diyos, upang tayo’y tunay na makaharap sa Kanya, kainin Siya, inumin Siya, at tamasahin Siya. Ito ang di-makasariling handog na ginawa ng Diyos sa halaga ng dugo ng Kanyang puso.

2 Dumarating at lumilipas ang mga panahon, dumaraan sa hangin at nagyelong hamog, sinasalubong ang napakaraming pasakit, pag-uusig, at kapighatian sa buhay, napakaraming pagtanggi at paninirang-puri ng mundo, napakaraming huwad na paratang ng pamahalaan, ngunit hindi nababawasan ni katiting ang pananampalataya ng Diyos ni ang paninindigan Niya. Buong-pusong nakatalaga sa kalooban ng Diyos, na maaaring maisakatuparan ang mga ito, isinasantabi Niya ang Kanyang sariling buhay. Wala Siyang iniiwasang sakit, maingat na pinapakain at dinidiligan ang Kanyang mga tao. Gaano man tayo kamangmang, o gaano man kasutil, kailangan lamang nating magpasakop sa harapan Niya, at babaguhin ang ating dating kalikasan ng Kanyang mga salita at gawain…. Walang kapaguran Siyang gumagawa, ipinagpapaliban ang pagkain at pahinga. Ilang araw at gabi, sa gitna ng gaano katinding nakapapasong init at nagyeyelong lamig, buong-puso Siyang nagbabantay sa Sion.

3 Ang mundo, tahanan, gawain at lahat na, na lubusang tinalikdan, nang may kasiyahan, nang kusang-loob, at ang mga makamundong kasiyahan ay walang kinalaman sa Kanya…. Ang mga salita mula sa Kanyang bibig ay humahagupit sa atin, inilalantad ang mga bagay na nakatago nang malalim sa ating mga puso. Paano tayong hindi makukumbinsi? Ang bawat pangungusap na lumalabas sa Kanyang bibig ay maaaring magkatotoo sa atin anumang oras. Anumang ating gawin, sa Kanya mang presensya o tago sa Kanya, walang hindi Niya nalalaman, walang hindi Niya nauunawaan. Ang lahat ay tunay na mahahayag sa harapan Niya, sa kabila ng ating mga sariling plano at pagsasaayos.

4 Nakaupo sa harapan Niya, nasisiyahan ang ating espiritu, panatag at mahinahon, ngunit laging nakakaramdam ng kahungkagan at malaking pagkakautang sa Diyos: Isa itong kababalaghang di-malirip at imposibleng makamit. Ang Banal na Espiritu ay sapat na upang patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos! Ito’y katunayan na di-mapagdududahan! Tayo sa pangkat na ito ay pinagpala sa paraang hindi mailalarawan! Kung hindi dahil sa biyaya at awa ng Diyos, mapupunta lamang tayo sa kapahamakan at susunod kay Satanas. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin! Ah! Ang Makapangyarihang Diyos! Ikaw itong nagmulat sa aming espirituwal na mga mata, na nagtutulot sa aming mamasdan ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo. Walang hangganan ang tanawin ng kaharian. Maging mapagbantay tayo habang naghihintay. Hindi na masyadong malayo pa ang araw na iyon.

5 Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, napupuno ang hangin ng usok ng kanyon, nagbabago ang lagay ng panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot, at maaari lamang mamatay ang mga tao, na walang pag-asa na manatiling buhay. Ah! Makapangyarihang Diyos, ang praktikal na Diyos! Ikaw ang aming matibay na muog. Ikaw ang aming kanlungan. Nag-uumpukan kami sa ilalim ng mga pakpak Mo, at hindi kami maaabot ng sakuna. Ganito ang Iyong maka-Diyos na pag-iingat at pangangalaga. Itinataas naming lahat ang aming mga tinig sa awitin; umaawit kami sa pagpuri, at ang tunog ng aming papuri ay umaalingawngaw sa buong Sion! Inihanda na para sa atin ng Makapangyarihang Diyos, ng praktikal na Diyos, ang maluwalhating hantungang iyon. Maging mapagbantay—oh, magbantay! Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa labis na huli ang oras.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 5

Sinundan: 46 Makapangyarihang Diyos Lamang ang Makapagliligtas sa Tao

Sumunod: 48 Buong Sansinukob ay Bagung-bago

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito