318 Walang Sinasabi o Ginagawa ang mga Tao na Hindi Nakikita ng Diyos
Ⅰ
Pananampalataya n’yo’y napakaganda,
sabi n’yo sa gawain ng Diyos
nais n’yong ilaan ang buhay n’yo,
at gustung-gusto n’yong gawin ang lahat para dito.
Kaya lang halos ‘di nagbago ang disposisyon n’yo.
Mapagmataas na salita, ito’ng nasabi na ninyo,
ngunit nakakaawa talaga ang ginagawa n’yo.
Parang nasa langit ang dila at mga labi n’yo,
ngunit nakatapak sa lupa ang mga paa n’yo.
Kaya terible ang kundisyon
ng mga salita, gawa at katanyagan n’yo.
Naniniwala ba kayo na may karapatan na kayong
pasukin ang banal na lupain ng Kanyang salita’t
gawain nang hindi pa Niya nasusubukan
ang lahat ng inyong salita’t gawa?
Kaya bang lokohin ng sinuman
ang Kanyang dalawang mata?
Pa’no makakalagpas sa Kanyang paningin
ang inyong abang mga kilos at pananalita?
Ⅱ
Sa ngayon reputasyon n’yo’y sira na,
kilos n’yo’y nakakahiya, mga salita n’yo’y aba,
buhay n’yo’y nakakasuklam, pagkatao n’yo’y masama.
Makitid ang isip n’yo sa mga tao,
pinakamaliit mang detalye’y nakikipagtalo kayo.
Katayua’t pagkilala’y pinag-aawayan n’yo,
gustung-gusto n’yong makaladkad sa impiyerno,
at tumalon sa lawa ng apoy mismo.
Mga salita’t gawa n’yo sapat na
para sabihin ng Diyos na makasalanan kayo.
Naniniwala ba kayo na may karapatan na kayong
Pasukin ang banal na lupain ng Kanyang salita’t
gawain nang hindi pa Niya nasusubukan
ang lahat ng inyong salita’t gawa?
Kaya bang lokohin ng sinuman
ang Kanyang dalawang mata?
Pa’no makakalagpas sa Kanyang paningin
ang inyong abang mga kilos at pananalita?
Ⅲ
Saloobin n’yo sa gawain ng Diyos ay sapat na
para malaman Niyang kayo ay masasama.
At lahat ng disposisyon n’yo’y sapat na para masabi
na ang inyong kalul’wa’y kasuklam-suklam at marumi.
Isa lang ang kahulugan ng ginagawa’t ipinapakita n’yo:
marami kayong natunggang dugo ng maruruming espiritu.
Kapag pagpasok sa kaharian ng langit ang pinag-uusapan,
sinasarili n’yo ang inyong nararamdaman.
Sapat ba ang inyong mga paraan
para makapasok sa Kanyang kaharian?
Naniniwala ba kayo na may karapatan na kayong
pasukin ang banal na lupain ng Kanyang salita’t
gawain nang hindi pa Niya nasusubukan
ang lahat ng inyong salita’t gawa?
Kaya bang lokohin ng sinuman
ang Kanyang dalawang mata?
Pa’no makakalagpas sa Kanyang paningin
ang inyong abang mga kilos at pananalita?
Ⅳ
Nakabantay ang dalawang mata ng Diyos
sa puso ng lahat ng tao
dahil bago pa Niya nilikha ang tao,
hawak na ng mga kamay Niya ang kanilang puso.
Matagal na Niyang nakita ang nilalaman ng puso nila,
kaya pa’no sila makakatakas sa Kanyang mga mata?
At pa’no nila matatakasan sa oras
ang pagsusunog ng Kanyang Espiritu?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!