319 Hindi Matatakasan ng mga Salita at Gawa ng Tao ang Pagsunog ng Diyos

I

Pag-inom ng dugo’t pagkain ng laman

ng maruruming espiritu

ang tingin ng Diyos sa buhay niyo,

dahil ginagaya niyo ang mga ‘to araw-araw.

Nakita na Niya’ng masama niyong asal;

‘di ba Niya kayo ituturing na nakakasuklam?

Salita niyo’y marurumi:

Nanghihimok, nambobola’t nagkukubli kayo,

gaya lang ng taksil,

yaong nakikibahagi sa pangkukulam,

at yaong umiinom sa dugo ng ‘di matuwid.


Binabantayan ng dalawang mata ng Diyos

ang puso ng lahat,

dahil matagal na bago pa’ng paglikha,

puso nila’y hinawakan Niya.

Kaya pa’no makatatakas

sa paningin Niya’ng kaisipan nila?

‘Di ba masyadong huli na upang tumakas

sa pagsunog ng Kanyang Espiritu?


II

Lahat ng ipinapakita ng tao’y ‘di matuwid,

kaya pa’no sila

mailalagay sa banal na lupain

kasama ang matuwid?

Maituturing ka bang banal

sa iyong kasuklam-suklam na asal

kumpara sa yaong hindi matuwid?


Binabantayan ng dalawang mata ng Diyos

ang puso ng lahat,

dahil matagal na bago pa’ng paglikha,

puso nila’y hinawakan Niya.

Kaya pa’no makatatakas

sa paningin Niya’ng kaisipan nila?

‘Di ba masyadong huli na upang tumakas

sa pagsunog ng Kanyang Espiritu?


III

Ang mala-ahas mong dila’y

sisira sa laman mong

dulot ay pagkawasak

at gumagawa ng karima-rimarim.

Yaong kamay mong balot ng dugo

ng maruruming espiritu’y

hihila rin sa kaluluwa mo sa impiyerno.


Ba’t ‘di mo samantalahin ang tsansang

linisin ang marurumi mong kamay?

Ba’t ‘di mo putulin ang dila mong

nagsasalita ng ‘di matuwid?

Payag ka bang magdusa

sa mga apoy ng impiyerno

alang-alang sa mga kamay, dila’t labi mo?


Binabantayan ng dalawang mata ng Diyos

ang puso ng lahat,

dahil matagal na bago pa’ng paglikha,

puso nila’y hinawakan Niya.

Kaya pa’no makatatakas

sa paningin Niya’ng kaisipan nila?

‘Di ba masyadong huli na upang tumakas

sa pagsunog ng Kanyang Espiritu?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!

Sinundan: 318 Walang Sinasabi o Ginagawa ang mga Tao na Hindi Nakikita ng Diyos

Sumunod: 320 Ang Inyong Pananalita at mga Gawa ay Marumi sa mga Mata ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito