533 Sinumang Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan ay Aalisin
1 Yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay yaong mga handang isagawa ang salita ng Diyos at handang isagawa ang katotohanan. Ang mga taong tunay na nagagawang manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos ay yaon ding mga handang isagawa ang Kanyang salita at talagang kayang pumanig sa katotohanan. Wala sa lahat ng taong nanloloko at walang katarungan ang katotohanan, at nagdadala sila ng kahihiyan sa Diyos. Yaong mga nagsasanhi ng mga alitan sa iglesia ay mga utusan ni Satanas, sila ang sagisag ni Satanas. Ang gayong mga tao ay nakapamalisyoso. Lahat ng hindi makaintindi at walang kakayahang pumanig sa katotohanan ay may kimkim na masasamang layon at dinudungisan ang katotohanan. Higit pa riyan, sila ay napakatipikal na mga kinatawan ni Satanas. Hindi na sila matutubos, at natural lamang na aalisin silang lahat.
2 Hindi tinutulutan ng pamilya ng Diyos na manatili ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ni hindi nito tinutulutang manatili yaong mga sadyang gumigiba sa iglesia. Wala nang walang-silbing gawaing iuukol sa mga taong ito; yaong mga nabibilang kay Satanas ay hindi kayang pumanig sa katotohanan, samantalang yaong mga naghahanap sa katotohanan ay kayang gawin ito. Ang mga taong hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi karapat-dapat na marinig ang daan ng katotohanan at hindi karapat-dapat na magpatotoo tungkol sa katotohanan. Ang katotohanan ay hindi talaga para sa kanilang mga pandinig; sa halip, ito ay para sa mga nagsasagawa nito. Ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maliligtas at gagawing perpekto dahil sa katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maghahatid ng pagkawasak sa kanilang sarili dahil sa katotohanan. Ito ang wakas na naghihintay sa mga nagsasagawa at hindi nagsasagawa ng katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan