532 Yaong mga Hindi Isinasagawa ang mga Salita ng Diyos ay Maaalis
Ⅰ
Ang gawain, salita ng Diyos ay layong maghatid
ng pagbabago sa inyong disposisyon.
Ang layon Niya ay hindi lamang
upang maipaunawa sa inyo o makilala ito.
Hindi ito sapat, at hindi ‘iyan ang lahat.
Kung nakakaya mong tanggapin,
ang salita ng Diyos ay madaling maunawaan.
Karamiha’y nakasulat sa wika ng tao.
Ang nais ng Diyos gawin at malaman n’yo ay
isang bagay na dapat maunawaan ng normal na tao.
Dapat danasin ng tao lahat ng uri
ng katotohanan sa salita ng Diyos.
Dapat nilang hanapi’t aralin ito nang mas detalyado.
Di sila dapat maghintay at kunin ang ‘binigay,
o sila’y mga manghuhuthot lamang.
Kung alam nila, hindi sinasagawa
ang katotohanan sa salita ng Diyos,
hindi nila ito mahal at sa huli sila’y aalisin.
Ⅱ
Ang sinasabi ng Diyos ngayo’y napakalinaw.
Ito’y naaaninag at maliwanag.
At maraming bagay ang ipinapakita ng Diyos
na hindi pa naisip ng mga tao.
Naghahayag Siya ng iba’t ibang kondisyon
na kayang makamtan ng tao.
Lahat saklaw ng mga salita ng Diyos.
Malinaw ang mga ito gaya ng bilog na buwan.
Maraming nakikitang isyu ang tao.
Ang dapat nilang sikaping makamit ay
isagawa ang Kanyang salita.
Iyon ang talagang kulang sa tao.
Dapat danasin ng tao lahat ng uri
ng katotohanan sa salita ng Diyos.
Dapat nilang hanapi’t aralin ito nang mas detalyado.
Di sila dapat maghintay at kunin ang ‘binigay,
o sila’y mga manghuhuthot lamang.
Kung alam nila, hindi sinasagawa
ang katotohanan sa salita ng Diyos,
hindi nila ito mahal at sa huli sila’y aalisin.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa