534 Ang Hindi Paghahanap sa Katotohanan ay Palaging Nagtatapos sa Luha at Pagngangalit ng mga Ngipin
1 Maraming tao ang hindi naghahabol ng buhay; kung mayroon mang ilan na naghahabol talaga ng buhay, kakaunti lamang sila. Lubhang abala ang mga tao sa kanilang mga kinabukasan at hindi sila nag-uukol ng anumang pansin sa buhay. Ang ilan ay naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, hinahatulan Siya sa likod Niya, at hindi isinasagawa ang katotohanan. Hindi pinapansin ang mga taong ito sa ngayon; sa sandaling ito, walang ginagawa sa mga anak ng paghihimagsik na ito, nguni’t sa hinaharap ikaw ay mabubuhay sa kadiliman, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Hindi mo nadarama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, nguni’t matatanto mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi, at magsisisi ka sa panahong iyon. Dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang gawain sa ngayon kaya nabibigo kang pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sansinukob, na ang ibig sabihin ay kapag nagkatotoo na ang lahat ng Aking sinasabi sa kasalukuyan, maraming tao ang hahawak sa kanilang mga ulo at tatangis sa pagdadalamhati. At sa paggawa niyon, hindi ba nahulog na sila sa kadiliman nang tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin?
2 Ang lahat ng tunay na naghahabol ng buhay at ginagawang ganap ay magagamit, samantalang ang lahat ng anak ng paghihimagsik na hindi angkop para magamit ay mahuhulog sa kadiliman. Mawawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi nila makakayang umunawa ng anumang bagay. Kaya naman sila ay hahagulgol, dahil nasadlak na sila sa kaparusahan. Kung maayos kang sinangkapan sa yugtong ito ng gawain at nakalago ka na sa iyong buhay, ikaw ay angkop na magamit. Kung hindi ka sinangkapan nang mabuti, kahit pa ikaw ay tawagin para sa susunod na yugto ng gawain, hindi ka magiging angkop na gamitin—sa puntong ito, hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon kahit na inaasam mo pang sangkapan ang sarili mo. Ang Diyos ay nakaalis na; saan ka kaya maaaring pumunta upang hanapin ang uri ng pagkakataon na nasa harap mo ngayon? Saan ka kaya maaaring pumunta upang tanggapin ang pagsasanay na personal na ipinagkakaloob ng Diyos? Sa puntong iyon, hindi personal na magsasalita o magpapahayag ang Diyos; ang magagawa mo lamang ay basahin ang mga bagay-bagay na sinasabi ngayon—paano mo ito magagawang maunawaan nang madali? Paano magiging mas mabuti ang buhay sa hinaharap kaysa buhay sa ngayon? Sa puntong iyon, hindi ka ba magdurusa ng isang nabubuhay na kamatayan habang tumatangis ka at nagngangalit ang iyong mga ngipin?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1