1008 Diyos ang Nagpapasiya sa Katapusan ng Tao Batay sa Kung Taglay Nila ang Katotohanan
Ⅰ
Panahon na para ipasiya ng Diyos
ang katapusan para sa bawat tao,
hindi ang yugto na sinimulan
Niyang hubugin ang tao.
Isinusulat ng Diyos sa Kanyang aklat
bawat salita’t kilos ng bawat tao.
Isa-isa Niyang itinatala ang mga ito.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung
may angkin silang katotohanan.
Ⅱ
Isinusulat Niya ang kanilang
landas sa pagsunod sa Kanya,
likas na katangia’t huling ugali nila.
Sa paraang ito walang taong
makakatakas sa kamay ng Diyos.
Lahat ay makakasama ang kanilang kauri
ayon sa itinatalaga Niya.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung
may angkin silang katotohanan.
Ⅲ
Yaong ‘di sumusunod sa kalooban
ng Diyos, parurusahan.
Ito’y katunayang ‘di mababago ninuman.
Kaya’t, lahat ng pinarurusahan
ay gayon para sa pagkamatuwid ng Diyos,
bilang ganti sa maraming masasamang gawa.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung
may angkin silang katotohanan,
oo, angking katotohanan,
angking katotohanan, katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan