106 Walang Taong Makagagawa ng Gawain ng Diyos Bilang Kahalili Niya
I
Plano ng pamamahala, Diyos Mismo ang gumawa.
Mundo ang Kanyang unang nilikha,
sa tao, Siya lang ang gumawa.
Tutubusin lahat sa ikalawang yugto,
Diyos lang ang makakatapos sa plano.
Gawain Niya’y magwawakas sa ikatlong yugto.
Diyos lang ang makagagawa, ‘di ito kaya ng tao.
Diyos lang ang makagagawa
noon hanggang ngayon.
Kahit bawat yugto’y ginawa
sa ibang lugar at panahon,
lahat ay ginawa ng iisang Diyos.
Ito dapat ang pangitain ng tao.
Diyos lang makagagawa, Diyos lang makagagawa,
Diyos lang makagagawa.
II
Plano ng pamamahala, Diyos Mismo ang gumawa.
Tinubos Niya ang tao, nilulupig at pineperpekto.
At upang matalo Niya si Satanas,
tao’y makamit, at mamuhay nang normal,
gumagawa Siya sa mga tao’t inaakay sila;
lahat ng gawaing pamamahala
Siya Mismo ang gagawa.
Diyos lang ang makagagawa, ‘di ito kaya ng tao.
Diyos lang ang makagagawa
noon hanggang ngayon.
Kahit bawat yugto’y ginawa
sa ibang lugar at panahon,
lahat ay ginawa ng iisang Diyos.
Ito dapat ang pangitain ng tao.
Diyos lang makagagawa, Diyos lang.
III
Jehova ang lumikha’t nag-uri sa tao.
Sa huling araw Siya’y gagawa.
Uuriin ang lahat, ‘di ito kaya ng tao.
Sa tatlong hakbang ng gawain
inaakay ng Diyos ang tao.
Kapag yugto’y lumipas, lahat susunod sa Kanya.
Diyos lang ang makagagawa, ‘di ito kaya ng tao.
Diyos lang ang makagagawa
noon hanggang ngayon.
Kahit bawat yugto’y ginawa
sa ibang lugar at panahon,
lahat ay ginawa ng iisang Diyos.
Ito dapat ang pangitain ng tao,
ito dapat ang pangitain ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos