107 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Ginagawa ng Isang Diyos
Ⅰ
Lahat ng disposisyon ng Diyos ay nabunyag na
‘di lamang sa Panahon ng Biyaya,
Kautusan, o mga huling araw,
kundi sa buong anim-na-libong taon
ng plano ng pamamahala.
Ang gawain sa mga huling araw
ay paghatol, poot at pagkastigo.
Ⅱ
Ang gawaing ginawa
ng Diyos sa mga huling araw
ay di makahahalili sa gawain
ng Panahon ng Kautusan o Biyaya.
Kundi ang tatlo’y kumukonekta sa isang entidad.
Ang mga ito’y ginagawa ng Diyos,
ngunit sa magkakahiwalay na panahon.
Ang gawai’y nagsimula sa Panahon ng Kautusan.
Ang Pagtubos ay sa Panahon ng Biyaya.
At ang gawaing ginawa sa mga huling araw
ang nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan.
Unawain na ang tatlong yugto ng gawain,
sa iba’t ibang panahon at lugar, ay malinaw na gawain
ng isang Diyos, ng isang Espiritu.
At lahat ng naghihiwalay
sa mga ito’y, salungat sa Kanya.
Ⅲ
Mula sa gawain ni Jehova
tungo kay Jesus hanggang ngayon,
tatlong yugto’y patuloy na sinasaklaw
ang buong lawak ng plano ng pamamahala ng Diyos,
lahat ay gawa ng isang Espiritu.
Simula nang likhain ang mundo,
palagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang tao.
Siya ang Simula, Wakas, Una at Huli,
Isa na kung kanino ang panahon
ay nagsisimula at nagwawakas.
Ang gawai’y nagsimula sa Panahon ng Kautusan.
Ang Pagtubos ay sa Panahon ng Biyaya.
At ang gawaing ginawa sa mga huling araw ang
nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan.
Unawain na ang tatlong yugto ng gawain,
sa iba’t ibang panahon at lugar, ay malinaw na gawain
ng isang Diyos, ng isang Espiritu.
At lahat ng naghihiwalay
sa mga ito’y, salungat sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4