105 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Nagsasabi ng Lahat Tungkol sa Pamamahala ng Diyos sa Tao

I

Gawain ng pamamahala sa tao’y

nahahati sa tatlong yugto;

ibig sabihi’y pagliligtas sa tao’y

sa tatlong yugto rin.

Tatlong yugtong ito’y ‘di kabilang

ang paglilikha ng mundo;

ang kabilang ay Kapanahunan ng Kautusan,

ng Kaharian at ng Biyaya.


Gawain ng paglilikha ng mundo’y

ang paglikha sa sangkatauhan,

‘di ang pagliligtas sa tao, walang kaugnayan,

dahil nang nilikha Niya’ng mundo,

tao’y ‘di pa natiwali ni Satanas.

Kaya ‘di kailangang isagawa

ang gawain ng pagligtas sa tao.


Tatlong yugto ng gawain ay kwento sa loob

ng pamamahala ng Diyos sa tao;

ito’y pagdating ng ebanghelyo

sa tao ng buong sansinukob,

ito’y malaking hiwaga sa kasaysayan ng tao,

pundasyon ng paglaganap ng ebanghelyo sa lupa.


II

Pamamahala Niya sa tao’y nagsimula

nung niligtas Niya’ng tao.

Gawain ng paglikha’y ‘di ang simula

ng pamamahala Niya.

Nung nagkaroon ang tao ng tiwaling disposisyon

saka lang gawain ng pamamahala sa tao ay umiral.


Gawain ng pamamahala sa tao’y

may tatlong bahagi.

‘Di apat na yugto at panahon.

Ito lang ang paraan upang wastong tukuyin

ang pamamahala Niya.

‘Pag napapalapit na ang huling panahon,

gawain ng pamamahala’y darating na sa huli.

Ibig sabihi’y pagliligtas sa tao’y matatapos,

at itong yugto para sa tao’y matatapos na.


Bilang nilalang Niya, dapat niyong kilalaning

sa kamay ng Diyos, tao ay nilikha.

Kilalanin din kung pa’no’ng

tao’y tinitiwali at pa’no ‘nililigtas.

Kung tuon mo’y

simpleng katotohanan lang sa buhay mo,

dakilang hiwaga’y nakaliligtaan,

‘di ba buhay mo’y tulad ng depektong bagay,

walang silbi kundi mapagmasdan?


Tatlong yugto ng gawain ay kwento sa loob

ng pamamahala ng Diyos sa tao;

ito’y pagdating ng ebanghelyo

sa tao ng buong sansinukob,

ito’y malaking hiwaga sa kasaysayan ng tao,

pundasyon ng paglaganap ng ebanghelyo sa lupa.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos

Sinundan: 104 Ang mga Taong Nakamit ng Diyos ay Magtatamasa ng mga Pagpapalang Walang-Hanggan

Sumunod: 106 Walang Taong Makagagawa ng Gawain ng Diyos Bilang Kahalili Niya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito