975 Ang Mga Kautusan sa Bagong Kapanahunan ay Malalim ang Kabuluhan
I
Ang mga utos ng bagong panahon ay malalim.
‘Pinapakitang Diyos
ay tunay na magpapakita sa lupa,
lulupigin Niya’ng buong sansinukob,
na magbubunyag ng kaluwalhatian
Niya sa katawang-tao.
Peperpektuhin ng Diyos
ang mga hinirang sa gawaing praktikal.
Makakamit Niya ang lahat sa lupa
gamit ang mga salita Niya,
pagpapahayag na ang Diyos na nagkatawang-tao’y
tataas sa pinakamataas,
na lahat ng tao sa lupa’t bansa ng mundong ito’y
luluhod sa Diyos na dakila.
Ang mga utos ng bagong panahon ay simbolong
Diyos at tao’y nasa bagong langit at lupa.
Tulad ni Jehova kasama’ng mga Israelita’t
Jesus kasama’ng mga Judio,
Diyos ay gagawa nang mas praktikal
at mas dakilang gawain sa lupa.
II
Kahit na ang mga utos ng bagong panaho’y
para sundin ng tao,
kahit na ito’y tungkulin at obligasyon ng tao,
ang kahulugang kinakatawan nito’y napakalalim
upang ganap na maipahayag
sa isa o dalawang salita.
Ang mga utos ng bagong panaho’y pinapalitan
ang mga batas ng Luma’t Bagong Tipan,
mga tuntuning ipinahayag ni Jehova at Jesus.
Alaming ito’y mas malalim,
higit pa sa mas malalim na aral,
na kayang maisip ng tao.
Ang mga utos ng bagong panahon ay simbolong
Diyos at tao’y nasa bagong langit at lupa.
Tulad ni Jehova kasama’ng mga Israelita’t
Jesus kasama’ng mga Judio,
Diyos ay gagawa nang mas praktikal
at mas dakilang gawain sa lupa.
III
Mga kautusan ng bagong panahon,
ng bagong panahong ito’y
makabuluhan sa paraang praktikal.
Ito’y nag-uugnay sa Panahon ng Kaharian at Biyaya,
habang tinatapos ang tuntunin
at gawi ng lumang panahon.
At dinadala nila’ng tao
sa harap ng mas praktikal na Diyos
upang personal Niyang maperpekto.
At mga utos ang simula
ng landas sa pagpeperpekto.
Kaya dapat niyong mapagtanto,
gawin, ngunit ‘wag hamakin,
kaya sundan at tratuhin sila nang mabuti.
Ang mga utos ng bagong panahon ay nagdidiing
tao’y dapat sambahin
ang praktikal na Diyos ng kasalukuyan,
praktikal na nagpapasakop sa diwa ng Espiritu.
Dinidiin nito’ng prinsipyo kung sa’n
hahatulan Niya kung tao’y maysala o matuwid
matapos magpakita bilang Araw ng katuwiran.
Ang mga utos ng bagong panahon ay simbolong
Diyos at tao’y nasa bagong langit at lupa.
Tulad ni Jehova kasama’ng mga Israelita’t
Jesus kasama’ng mga Judio,
Diyos ay gagawa nang mas praktikal
at mas dakilang gawain sa lupa.
Diyos ay gagawa nang mas praktikal
at mas dakilang gawain sa lupa.
Diyos ay gagawa nang mas praktikal
at mas dakilang gawain sa lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsunod sa mga Kautusan at Pagsasagawa ng Katotohanan